Cover Photo By Benildean Press Corps
Cover Photo By Benildean Press Corps.

Hulascope: Midterm pa lang, Kaya pa yan!


Nakuha mo na ba ang mga Midterm Grades mo? Alamin kung ang hugot mo ba ay may magandang dulot sa iyong kapalaran. #Hulascope


By Benildean Press Corps | Monday, 19 October 2015

Kakatapos lang ng midterms, pero hindi d’yan nagtatapos ang kwento mo. Hinga-hinga lang at push pa ulit sa nalalabing semestre. Narito ang na ang malupit na prediksyon sa hinaharap. Alamin kung ang hugot mo ba ay may magandang dulot sa iyong kapalaran.

Aquarius (January 20 – February 18)

Minsan talaga kahit anong aral mo, may mali ka pa rin sa exam. Pero ‘wag kang mawawalan ng pag-asa, mag-aral pa rin nang maigi at magdasal. Tuloy mo lang ‘yan.

Pisces (February 19 – March 20)

Huwag magpadala sa emosyon, mag-isip din nang paulit-ulit. Tigilan mo na ang panghuhula sa mga susunod mo pang exam ha. Hihintayin ka naman ng mga kaklase mo sa labas kung hindi ka pa tapos. Huwag magmadali.

Aries (March 21 – April 19)

Huwag umasa kung di ka naman nag-effort sa simula pa lang. Walang milagrong mangyayari sa grades mo kung palagi kang late at absent sa klase.

Taurus (April 20 – May 20)

Kung inamin man niya ang katotohanan sayo, hindi ibig sabihin ay may kayo na. #Priorities, timbangin ang benefits vs. costs.

Gemini (May 21 – June 20)

Puro ka na lang rants, may ginawa ka ba? Bago mag-reklamo, tulungan mo muna ang mga ka-grupo mo sa inyong report. Imbis na gamitin ang mga salita kakareklamo, i-type mo na lang yan, may matatapos ka pa.

Cancer (June 21 – July 22)

Nakakapagod din maghabol kaya tigilan mo na yan. Hindi ka ba nagsasawang habulin ang prof mo para makiusap na ipasa ka kahit 1 lang. Huwag konsensyahin ang prof dahil di niya kasalanan yan, maging fair din ha.

Leo (July 23 – August 22)

Ayos din ang masaktan paminsan-minsan dahil yan ang magpapatibay sayo. Kaya kung napagalitan ka man ng prof mo, gamitin itong inspirasyon upang bumangon. Para lang ‘yan pag-ibig, ‘di ka titigil magmahal kahit paulit-ulit nang nasasaktan.

Virgo (August 23 – September 22)

May mga tao talagang mananamantala sa’yo kung masyado kang mabait. Ihiwalay ang relasyong personal sa obligasyon na dapat gawin. Kung hindi tumutulong ang orgmate mo ay huwag mag-alinlangan kausapin siya.

Libra (September 23 – October 22)

Lagi ka na lang tumitingin sa iba, samantalang nandiyan lang naman siya lagi sa tabi mo. Bitawan mo na ‘yang gadget na ‘yan dahil ‘di ka matutulungan ng kaka-text, kakalaro ng PS4, o kaka-facebook mo. Nandiyan lang sa tabi mo yung notebook mo, ikaw lang ang hinihintay para mapansin mo.

Scorpio (October 23 – November 21)

Huwag mapagod magmahal. Mahalin mo ang ginagawa mo. Mahalin mo ang pag-aaral. Mahalin mo ang iyong mga kaibigan. Mahalin mo ang iyong magulang. Mahalin mo ang Diyos. Dahil anuman ang mangyari, ang mga iyan ang magpapaalala sayo kung bakit ka nandiyan sa kinatatayuan mo.

Sagittarius (November 22 – December 21)

Hindi lahat ng bagay ay aayon sa kagustuhan mo. Kung hindi meant to be, wag natin ipilit. Huwag akuin ang mga gawain kung hindi mo kayang panindigan at gawin nang maayos dahil mas maraming tao ang maaapektuhan.

Capricorn (December 22 – January 19)

Gising na at mag-move on ka na. Tanggapin mo na lang kung hindi ayos ang naging performance mo sa unang bahagi ng semestre. Magsimula ka muli at ituloy ang #RoadtoPICC.

Dibuho ni Francis Tadeo

 

 

 

Last updated: Saturday, 17 July 2021