Cover Photo Ni Jim Dela Cruz
Cover Photo Ni Jim Dela Cruz.

Palasyo ni Valentin: Tunghayan at Tangkilikin


Malugod na inihahandog ng mga mag-aaral ng Production Design Program Batch 112 ang kanilang sariling interpretasyon ng sarswelang palabas na “Palasyo ni Valentin” sa ganap 1:00pm at 7:00pm na mga oras simula ngayong araw, Oktubre 15, hanggang Oktubre 17 sa SDA Theather.


By Benildean Press Corps | Thursday, 15 October 2015

Malugod na inihahandog ng mga mag-aaral ng De La Salle-College of Saint Benilde Production Design Program Batch 112 ang kanilang sariling interpretasyon ng 1998 Centennial Literary Composition (Sarsuela Division) award-winning play na pinamagatang “Palasyo ni Valentin”. Buong kapurihang isinulat ni Mario O’Hara at sa direksyon ni Nonon Padilla, ang sarswela na ito ay pumapaksa sa pansariling repleksyon sa oras at kasaysayan.

 

1 5 1024x683

2 4 1024x683

4 5 1024x683

 

Narito ang Press Release ng Palasyo ni Valentin:

Talaga ngang ang “Palasyo ni Valentin” ay isang palabas na kasiya-siya at kapupulutan ng mga aral. Lingid sa kaalaman ng nakararami, lalo na sa henerasyon ng mga kabataan ngayon, na may mga ganitong palabas na ‘must watch’ kung maituturing. Hindi lamang sa kung ano ang mga uso ngayon ngunit sa isa itong bakas at malaking palatandaan kung ano ang istorya sa likod ng bawat tagumpay sa takilya ngayon.

Buong puso at taas noong bibigyang interpretasyon ang sarswelang palabas na “Palasyo ni Valentin” sa ganap 1:00pm at 7:00pm na mga oras sa anumang sumusunod na mga araw mula Oktubre 15 hanggang Oktubre 17 sa ika-5 palapag ng School of Design and Arts (SDA), De La Salle-College of Saint Benilde, 950 P. Ocampo St., Malate, Manila.

Hayaan ninyong matunghayan ang palabas na ito sa kabila ng lahat ng sakripisyo at pagod at sa likod ng mga magagaling at malikhaing utak ng mga tao nito na pinangungunahan ng batikang direktor na si Nonon Padilla, at ang mga masisikap na Benildyano ng Production Design Program Batch 112 para sa lugar, costume, props at iba pa.

Mga tauhan:

Ricky Davao- Valentin

Thea Gloria- Diding
Sherry Lara- Carlota
Juliene Mendoza- Alfonso
Teri Lacayanga- Concha
Andrei Vegas- Toto
Andrew Cruz
Mcdonnel Bolanos
Patricia Sy
Meann Espinosa
Manjean Faldas
Karlo Miguel

Mga Presyo:
Orchestra – Php 400.00
Loge – Php 300.00
Balcony – Php 200.00

*Free-seating
Maari niyong itanong si Kimberly Villanueva (0917-627-5288) para sa iba pang mga karagdagang tanong at suhestiyon.

Tungkol sa Direktor

Si Felix “Nonon” Padilla ay isang batikang direktor sa Pilipinas. Siya ay kasapi ng Philippine Educational Theater Association (PETA) kasama sina Lino Brocka at Cecile Guidote Alvarez bilang mga masisining direktor. Ang kaniyang inagurasyon ay humantong sa pamamagitan ng Onofre Pagsanghan noong 1968. Nagsilbing stage director sa Dulaang Sibol Contest at nang matapos di naglaong naging isang masining na direktor na siya para sa Tanghalang Pilipino CCP nuong 1987. Siya ay natanggap doon, at nagpamalas ng angking galing at talino at nagkamit ng mga natatanging patimpalak, at isa na nga rito ang Gawad Buhay Lifetime Achievement Award noong 2013 .

 

Producers and Designers behind

Ang production design batch 112 ay binubuo ng mga mag-aaral ng Bachelor of Arts Major in Production Design ng De La Salle – College of Saint Benilde. Ang programang, AB- Production Design ay may tatlong taon at isa-termino na kurso, kung saan naipapamalas ng mga estudyante sa ilalim nito ang angkin nilang galing at talino sa pagiisip ng mga konseptong bubuhay sa mundo ng sining at iba’t-ibang uri ng mga palabas. Naglalayong ang kursong ito na maturuan ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang larangan ng film design, art history, and media studies at magpamalas ng kanilang malilikhaing konsepto patungkol sa stagecraft, prosthetics, and costume construction.

4 5 1024x683

Muli, para sa mga karagdagang katanungan at suhestiyon, maaaring pagbigyang-alam si Kimberly Villanueva (0917-627-5288). Maaari niyo ring subukang magbigay mensahe sa pamamagitan ng pag-follow sa kanilang social media accounts na Facebook (facebook.com/PalasyoNiValentin), Twitter (@palasyovalentin) at Instagram (@palasyonivalentin).

Nais ni Valentin, na tunghayan ninyo ang kaniyang buhay sa Palasyo. Alamin natin ang sining sa nakaraan at busugin ang ating mga isip sa mayamang kultura at malikhaing kaalaman ng mga tao sa likod ng takilya ng mga kahapon.

*This play is CSBLIFE accredited.

Kuha ni Jim dela Cruz

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021