Cover photo by Benildean Press Corps
Cover photo by Benildean Press Corps.

Pantawid-Midterm Tips


Sa lahat ng mga gumagapang para pumasa ngayong term, ito na ang ilang pantawid-midterm tips na kinakailangan mo!


By Benildean Press Corps | Thursday, 8 October 2015

Kung noong tumingin ka sa salamin ay na-realize mong kulang nalang ay dahon dahil isa ka nang ganap na panda sa itim ng mga eyebags mo, ramdam mo na talaga ang pressure ng term na ito. Isa ka na ba sa mga gumagapang para pumasa ngayong term? Kung gayon, ito ay para sa iyo dahil ito na ang pantawid-midterm tips na kinakailangan mo nang mairaos mo nang matiwasay ang kalagitnaan ng terminong ito.

Plano panalo.

Ang pinakamahalagang kayamanan ng isang tao ay ang kaniyang oras. Isa kasi iyan sa mga bagay na hindi mo na maibabalik kailanman. Ika nga ni Ptr. Bong SaquingTime management is life management”. Kung saan mo binubuhos ang oras, doon mo rin itinatayo ang buhay mo. Tratuhin mong investment ang iyong oras. Planuhin lahat ng iyong activities para sa isang araw, isang linggo o isang buwan. Mainam rin na ikaw ay gumamit ng planner o journal upang mas madali ang iyong pag-oorganisa.

 

Kalusugan ay alagaan.

Ang buhay ng tao ay hindi parang video games—pag patay na, patay na talaga at wala nang extra life. Isama mo na rin sa iyong planner ang pagbubuno ng oras para sa iyong kalusugan. Kailangan nating maging malusog upang hindi tayo lumiban nang lumiban. Kung nag aaral ka man pero lagi kang absent, sayang ang pinaghirapan mo kasi baka ma-drop ka naman din. Sikapin mo na kumain sa tamang oras, matulog ng sapat na oras, at mag ehersisyo. Makakatulong ang lahat nang iyan upang maging mas malakas ka at mas ganahan ka sa pag-aaral.

 

Inspirasyon effect.

Upang ganahan ka pa lalo mag aral ay humanap ka ng iyong inspirayon. Hindi naman kinakailangan na crush o kasintahan ito; (Kung makulit ka talaga, love at your own risk) minsan pwede rin ang iyong pamilya, iyong mga kaibigan, o iyong mga guro. Marami kang mapaghuhugatan ng inspirayon dahil ang bawat tao ay may sari-sariling kuwento. Ang iyong gana upang makinig ang magbibigay rin sa kanila ng drive na pagbutihin ang kanilang mga sariling gawaiin.

Chill ka lang.

Mabigat man ang workload ngayong term, pero kailangan mo parin rin i-prioritize ang pagtulog. Given na ito’y nakakatulong sa iyong kalusugan, ngunit isa rin itong paraan upang tumalas ang iyong isipan. Ayon sa propesor ng sikolohiya sa UC Barkeley na si Matt Walker, sa tuwing tayo ay natutulog ay mayroong nagaganap na electrical burst sa ating utak na tinatawag na sleep spindles na nakakatulong sa pagkalap ng impormasyon sa ating hippocampus patungo sa ating long-term storage site, hangang sa ating cortex. Ito ang proseso kung saan ay nagkakaroon tayo ng mas matalas na abilidad upang matuto, kaya ‘di puwede ang sinasabi nilang “sleep is for the weak” dahil isang malaking factor ang sapat na oras ng tulog sa ating pagkatuto.
Alam naman natin na paulit-ulit nalang ang hirap, saya at pagod sa buhay estudyante pero magpasalamat parin tayo sa oportunidad ng edukasyon na ating tinatamasa. Pero advance congratulations na rin dahil sa bawat terminong iyong natatapos ay naglalapit sa araw ng iyong graduation. Paniguradong matatapos mo ang iyong pag-aaral kung mag susumikap ka. Ngunit, mapagtatagumpayan mo ito kung maisasabuhay mo ang mga karunungan na iyong pinaghirapan.

 

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021