Dibuho Ni Francis Tadeo
Dibuho Ni Francis Tadeo.

Bawi Sa Buhay: Sulit-sarap bakasyon!


Bukod sa paghahanda para sa nalalapit na finals week, naisip mo na ba ang iba pang magandang gawin sa darating na APEC Summit? Kung hindi pa, narito na ang tips upang maging makabuluhan ang iyong munting bakasyon!


By Benildean Press Corps | Thursday, 12 November 2015

Bukod sa paghahanda para sa nalalapit na finals week, naisip mo na ba ang iba pang magandang gawin sa darating na APEC Summit? Kung hindi pa, narito na ang tips upang maging makabuluhan ang iyong munting bakasyon!

Laban o bawi?

Kung ikaw ay sigurista at ayaw mo ng cramming, aba’y chance mo nang magpakitang gilas sa pagpapaplano! Maari mong gamitin ang apat na araw ng bakasyon upang mag advance study at gumawa ng final papers upang sa finals week ay chill ka nalang. Kung nasa’yo na talaga ang talino at sipag, mag volunteer upang turuan ang iyong mga “nanganganib” na mga kaklase. Oh diba, hindi ka na bored, nakatulong ka pa! Sa mga nagdedelikado naman, sulitin ang mga araw na ito upang ma kompleto ang mga hindi pa naipapasa na requirements. Huwag munang susuko kapag wala pang final grades.

 

Ka-ibigan.

Walang masama sa online friendships , sa totoo nga’y napapabuti pa nito ang ating social life. Sa kabila ng teknolohiya sa komunikasyon, ang tunay na pagkakaibigan ay mas tumitibay sa personal na pakikihalubilo. Imbitahin mo sila sa iyong tahanan. Ipakilala mo sila sa pamilya mo. Ilaan ang oras na ito upang makipagkita sa iyong mga kaibigan. Yakapin sila nang mahigpit at magkwento nang nakatitig sa kanilang mga mata (at hindi sa iyong smartphone). Huwag din kalimutan na kumuha ng litrato kasama sila at i-post sa social media upang ipakita sa mundo na mas ayos parin ang face to face na interaction.

 

Kalusugan? Alagaan!

Halos lahat naman tayo’y guilty na hindi tayo nakakapag ehersisyo araw araw. Ang dami na nga nating utang sa ating katawan, kasama pa riyan ang ating pagkain ng mga hindi masusutasyang pagkain, bisyo, at polusyon na dulot ng Maynila. Ito ang magandang panahon upang bumawi at maging motivated na alagaan ang ating kalusugan. Magsimula ka na ngayon, as in ngayon na, tumutunog na ang countdown! Dahil iyan ang pinakamainam na paraan upang magtuloy-tuloy ka rito. Ayon sa agham, nakararanas tayo ng Zeigarnik Effect, o ang pagkakaroon ng hindi komportableng pag-iisip sa tuwing may hindi natin natatapos ang bagay na ating nasimulan.

Bukod sa talino at diskarte na ating ginagamit sa eskwela, halos lahat sa atin ay hashtag blessed din sa iba’t ibang talento at abilidad.. Huwag nating sayangin ito, bagkus ito ay payabungin dahil talo parin ng masipag ang magaling. Pero mas maganda parin na pareho kang hardworking at skilled! Ang isang hobby ay magiging isang habit kung ika’y mag-eensayo nang higit sa 66 na araw. Ang pag-aaral na ito ay mula kay Phillippa Lally, isang health psychology researcher sa University College London. Ilaan ang apat na araw na ito upang mahasa ang iyong mga skills. Kaya masterin na

IIlan lamang iyan sa mga general tips upang mapayabong ang iyong apat na araw ng bakasyon. Muli, mas mainam na ito’y gawing mas personal na may kasamang pansariling pagninilay. Ang mga payong ito ay hindi lamang pampalipas ng ilang araw, ito’y tulong din upang mapabuti ang ating daily lives. Kapag maayos ang ating pamumuhay, sigurado ang tagumpay!

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021