Cover Photo Ni Francis Tadeo
Cover Photo Ni Francis Tadeo.

Hulascope: Kapala-run 2016: Round 1


Narito na ang pinaka-inaantay na kapalaran mo ngayong bagong taon, alamin kung kakampi ba sa’yo ang taong 2016 sa panibagong karera ng iyong buhay! #Hulascope


By Benildean Press Corps | Monday, 4 January 2016

 

Ika nga nila, #NewYearNewMe ngunit hindi ba’t parang laos na ito at oras na para umisip ng iba pang mas ka-boom at maging best version ng ating mga sarili? Kung gayon, narito na ang panibagong marathon ng iyong kapala-run kung kakampi ba sa’yo ang taong 2016 kung saan ikaw ang player sa challenging game ng ating buhay!

 

Aquarius (January 20 – February 18)

Mukhang naparami ata tayo ng nakain ngayong bakasyon ah? Tila yata ka-hugis na natin ang mga prutas na nakahain sa mesa. Oras na para alagaan mo ang iyong kalusugan dahil ‘ika nga, health is wealth at puhunan mo ito in the long run.

Aqarius 300x300

Pisces (February 19 – March 20)

‘Wag na wag ka nang bibisita pa sa profile niya, past is past. Maswerte ang 2016 ngayon sa’yo dahil makakatagpo mo na sa wakas si “the one” o malay mo siya ‘yung bunga ng pagpupuyat mo kada-gabi.

Pisces 300x300

Aries (March 21 – April 19)

Masakit mang tanggapin, pero kailangan mo nang mag move on. Dahil sabi nga nila, traffic na lang sa edsa ang may forever. Wag kang mag-alala dahil ito ang magpapalaya sa nakakulong mong feelings. Oo, masaya ka pero humantong na sa “nakakasakal na,” ‘di ba?

Aries 300x300

Taurus (April 20 – May 20)

May natira pa ba sa mga handa niyo noong bagong taon? Bibisita kasi sa’yo si ex-crush at makiki-kain tapos magtatanong pa kung anong handa niyo. Syempre bigyan mo sabay sabi ng “Hello, HANDA na akong mag move on kasi kilala mo lang ako kapag may kailangan ka.”

Taurus 300x300

Gemini (May 21 – June 20)

Mabuhay ang mga third wheel, maging proud ka! dahil ngayong 2016, hinding-hindi ka na sunod-sunuran sa kaibigan mong nilalanggam na sa sobrang sweet nila ng special someone niya. Dahil nandyan lang sa tabi-tabi si Mr. Right at inaantay ka.

Gemini 300x300

Cancer (June 21 – July 22)

Dapat sigurong masanay ka nang maglakad o mag-commute nang wala siya. Dahil kung dati, inaantay ka niya at hatid-sundo pa, oras na para wag magpaka-bitter dahil you deserve better.

Cancer 300x300

Leo (July 23 – August 22)

Oh, kahit tapos na ang Disyembre kakalimutan mo na ba ang No Shape December? Akala ko ba may fitspiration at #WorkOutGoals ka? Kung tinatamad ka lang, eto na ang motivation mo. Tumayo ka na!

Leo 300x300

Virgo (August 23 – September 22)

o

Kung nanghihingi ka ng sign kung hahayaan mo na siya—eto na yun, dahil last year paulit-ulit ka nang naging hopia at kaniyang pinaasa, hindi ka rin siopao para bola-bolahin niya. Masakit, oo—pero kalingan na talaga.

Virgo 300x300

Libra (September 23 – October 22)

Nanghihinayang ka pa rin ba? Hindi ito ang taon para malungkot ka, ituon ang iyong sarili sa ibang mas mahalagang bagay na alam mong tunay na makapagpapasaya sayo. Kung sa tingin mo ay hindi talaga berde ang gusto mo kundi asul, huwag nang magpatumpik-tumpik pa at kamtin ang sinasabi ng iyong puso. PUSO.

Libra 300x300

Scorpio (October 23 – November 21)

Nasa iyo na kung buburahin mo mga selfies niyo, pero wag mong isama yung memories niyo dahil kahit niloko ka niya, napasaya ka niya sa mga sandaling ikaw ang pinakaespesyal na tao sa kanya. Pero hanggang friends na nga lang, tanggapin mo na.

Scorpio 300x300

Sagittarius (November 22 – December 21)

Maswerte ka ngayon dahil kahit naparami ang nakain mong chibog di ka uuwing bloated, sa halip busog na busog ka sa unending blessings na ipinagkaloob Niya sayo ng nakaraang 2015.

Sagittarius 300x300

Capricorn (December 22 – January 19)

Oras na siguro para maging selfish ka naman. Selfish sa oras na hawak mo kung saan ay ilalaan mo ito sa mga taong di mo napansin na mas nag effort para sa’yo dahil naka-focus ka lang sa isang tao na sa simula pa lang never ka nang naging priority.

Capricorn 300x300

Kaya mo, pero unti-unti. Hindi mo naman kailangang madaliin ang lahat. Ika nga nila one step at a time. Oo, hindi madali—pero oras na para baguhin ang dapat baguhin, kalimutan ang dapat kalimutan at magpaka totoo sa sarili dahil umuusad na ang 2016 at lahat ay nagnanais na maka-abot sa finish line. Magpapa-iwan ka na lang ba sa pait na dulot ng 2015?

Dibuho ni Francis Tadeo

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021