Hulascope: Hulyo Panalo!

Hulascope: Hulyo Panalo!

Tag-ulan nanaman at puspos na ang paghahanda ng ating mamamayan at opisyales sa pangamba na maaring malakas na bugso ng ulan at pagbaha ang harapin ng ating kapwa Pilipino. Pero hindi lang malakas na ulan ang ating asahan, marapat lang na paghandaan din natin ang pag-ulan at pagbaha ng swerte ngayong tag-ulan. Kaya hala, dalhin na ang iyong batya at saluhin ang pagpapapala at swerteng dala ng iyong kapalaran ngayong Hulyo, hatid ng Hulascope!

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Aquarius (January 20 – February 18)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Matuto kang magparamdam sa mga kaibigan mo, huwag kang parang ulan na biglang bubugso at biglang hihinto o mawawala ‘pag sumikat na ang araw. Marami rin ang naghihintay sa PM mo lalo na ‘yung crush mo. Manlilibre ng pizza sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang A.

Pisces (February 19 – March 20)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Magkakaroon ka ng pagkakataong magsimula ulit, hindi lang sa pag-ibig kundi pati na rin sa pagkamit ng 4.0 sa paparating na finals, ugaliing mag-aral at iwasan ang pagsasawalang bahala sa ibang asignatura dahil pagsisisihan mo ito sa huli. Manlilibre ng kwek-kwek sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang S.

Aries (March 21 – April 19)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Uulanin ka ng kasagutan sa mga katanungang bumabagabag sa iyong isipan at kalooban ngayong buwan na magdadala sa’yo ng katahimikan. Maging masipag lalo na’t marami kang biyayang matatanggap sa daang iyong tinatahak. Manlilibre ng hotdog sandwich sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang J.

Taurus (April 20 – May 20)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Simulan mo nang maayos at matiwasay ang mga bagay-bagay ngayong pasimula na ang pre-final. Dahil dito matatapos mo ang term na ito nang walang balakid. Pumasok nang maaga at ‘wag mag papa-late kahit kailan, kundi ay bi-bingo ka na sa prof mo. Manlilibre ng Starbucks (venti) sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang M.

Gemini (May 21 – June 20)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Masuwerte ka sa mga kaibigan kaya naman sila’y lagi mong pahahalagahan. Makararanas ka ng problema pero masosolusyunan mo agad ito dahil nanjan sila sa iyong tabin. Kaya bilang ganti, ilibre mo sila ng pizza sa caf o kaya naman ng tig-iisang meal sa Chef’s Station (sa mga kaibigan ni Gemini, walang anuman). Manlilibre ng C2 sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang R.

Cancer (June 21 – July 22)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Kumilos ka’t ituwid ang mga pagkakamaling nagawa mo ngayong midterms. Makakabawi ka sa mga asignatura mo at mapapakanta ka ng “‘Pag three pataas” kapag nakuha mo na ang resulta ng iyong pagsisikap. Manlilibre ng isang meal sa’yo ngayong buwan (ikaw ang bahala kung saan mo gusto) : pangalan na nagsisimula sa letrang C.

Leo (July 23 – August 22)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Magtiwala ka sa payo ng mga kasamahan mong nag-aalala sa’yo, ‘wag isantabi at balewalain ang mga opinyon nila. Pahalagahan mo ang trabaho mo at gawin ito nang buong puso dahil ito ang magpapaunlad at magbibigay swerte sa’yo ngayong buwan. Manlilibre ng tubig sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang L.

Virgo (August 23 – September 22)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Siguraduhing mabuti ang tuwid na tinatahak mo para wala kang pagsisihan bandang huli.  Sa pag-angat mo, isang bagong pag-ibig ang sisibol na magsisilbing inspirasyon at sabay kayong makakakuha ng inaasam-asam niyong 4.0 sa asignaturang kinaaayawan niyo. Manlilibre ng milk tea sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang K.

Libra (September 23 – October 22)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Umiwas ka sa mga taong alam mong dinadaya’t niloloko ka dahil sila ang magbibigay sakit ulo sa’yo ngayong buwan. Pero ‘wag mangamba dahil may magandang dulot ito sa’yo. Sila ang magiging daan para maging matatag ka. Manlilibre ng Potato corner sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang D.

Scorpio (October 23 – November 21)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Magkakaroon ka ng pagkakataon para maiangat ang mga grado mo ngayong finals. Siguraduhin mo lang na hindi mo sasayangin ang pagkakataong ibibigay sa’yo dahil may kaakibat itong kapalit. Tandaan din na ‘wag mag-paimpluwensiya sa mga kaibigang hindi nag-aaral. Manlilibre ng Lil’ Orbits sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang F.

Sagittarius (November 22 – December 21)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Babahain ka ng suwerte ngayong buwan basta’t puro kabutihan ang iyong gagawin. ‘Wag kang makalimot na magbahagi ng biyaya sa iyong mga kaibigan dahil baka ikalunod mo ang sobra-sobrang biyaya na magbibigay sa’yo ng kamalasan. Manlilibre ng kitkat sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang B.

Capricorn (December 22 – January 19)

Dibuho ni Vermeer Crisostomo
Dibuho ni Vermeer Crisostomo

Iwasan ang makipagbiruan dahil baka may masaktan ka nang hindi mo alam. Malamig na ang panahon, huwag mong hayaang manlamig din sila sa’yo. Gumawa ng paraan upang makabawi at bumalik sa dati ang inyong relasyon. Manlilibre ng McChicken sandwich  sa’yo ngayong buwan: pangalan na nagsisimula sa letrang G.
Ngayong tag-ulan na, kailangang lagi tayong handa sa anumang posibleng mangyari, pati na rin ang pag-ulan ng suwerte ngayong buwan. Ngunit huwag ibase ang kinabukasan sa mga ito dahil tayo parin mismo ang gumagawa ng ating sariling kapalaran, kung anong daan ang ating tatahakin at kung anong klaseng buhay ang ating gugustuhin. Marapat na gawin lamang itong inspirasyon sa pang araw-araw na pamumuhay para magkaroon tayo  ng ideya kung ano ang isusulat natin sa panibagong kabanata ng ating buhay.


The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved