Hulascope: Liwaliw sa tag-araw

Hulascope: Liwaliw sa tag-araw

Tapos na ang pamamayagpag ng malamig na simoy ng hanging Amihan kaya’t mababatid na ang unti-unting pagpaparamdam ng matinding sikat ng araw, hudyat na narito na ang pinakahihintay na summer season. Handa na rin ba ang iyong summer body para sa mga biglaang pag-aaya ng get away adventures ng inyong barkada? Alamin ang lagay ng iyong kapalaran at summer hotness ngayong summer madness Marso.

Illustration by John Carl Aujero

Aquarius (January 20 – February 18)

Batid mong padagdag na nang padagdag ang iyong timbang mula nang magsimula ang taong 2017. Senyales na siguro ito sa iyo upang bawas-bawasan ang iyong pagkain at simulan na ang regular na pag-ehersisyo upang ma-achieve ang iyong pinapangarap na summer body.

 

Suwerteng kulay: Pula

Suwerteng numero: 2, 13 at 29

Suwerteng OPM song: Akin ka na lang ni Morissette Amon

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Steamed salmon

 

Illustration by John Carl Aujero

Pisces (February 19 – March 20)                              

Nagkaroon nga ng pagbabago sa panahon, nagkaroon din ng pagbabago sa nararamdaman niya para sa’yo. Kung patuloy ang paglala ng sitwasyon sa pagitan ninyong dalawa, mas makabubuti sigurong magpahinga muna at bigyan ng espasyo ang isa’t isa upang magbigay daan sa pagninilay-nilay ninyong dalawa.

 

Suwerteng kulay: Pink

Suwerteng numero: 5, 14 at 35

Suwerteng OPM song: Luha ng Aegis

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Nilagang patatas

 

Illustration by John Carl Aujero

Aries (March 21 – April 19)

Katatapos lamang ng Midterms week ngunit parating na naman ang panibagong hampas ng mga gawain para sa mga susunod na linggo. Mabuti kung gagawin na agad ang mga ito hangga’t maluwag pa ang iyong schedule upang maiwasan makunsumi sa mga sasabay pang gawain bago ang finals week.

Suwerteng kulay: Berde

Suwerteng numero: 9, 12 at 22

Suwerteng OPM song: Whoops Kiri ng Fruitcake

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Nilagang patatas

 

Illustration by John Carl Aujero

Taurus (April 20 – May 20)

Ramdam mong mas tumitindi ang pagpaparamdam ng kaklase mong may gusto sa’yo sa nakalipas na tatlong linggo at nararamdaman mo ring nabibighani ka na sa kanya. Huwag  ito bigyan masyado ng pansin kung ayaw mong maiwan ka na namang luhaan at sawi sa pagtatapos ng terminong ito.

Suwerteng kulay: Violet

Suwerteng numero: 7, 11 at 45

Suwerteng OPM song: Remember Me ni Renz Verano

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Apple Cider Vinegar

 

Illustration by John Carl Aujero

Gemini (May 21 – June 20)

Nakababahala dahil hindi mo inaasahan ang mga nasasaksihan mong numerong lumalabas sa iyong SIS. Hindi pa naman huli ang lahat upang bumawi at hatakin ang mga mabababang marka kung matututunan mo lamang na ayusin ang iyong mga prayoridad sa terminong ito.

 

Suwerteng kulay: Asul

Suwerteng numero: 10, 14 at 23

Suwerteng OPM song: Tala ni Sarah Geronimo

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Nilagang kamote

 

Illustration by John Carl Aujero

Cancer (June 21 – July 22)

Hindi ka pa rin nadadala sa mga nakawiwindang mong karanasan sa tuwing ikaw ay nakikilahok sa Happy Thursday. Makabubuting magpahinga muna sa makulay at maingay mong night life.Tigil-tigilan na muna ang sunod-sunod na paglabas at pagpa-party kung ayaw mong maging grounded at magka-budget cut na naman mula sa iyong mga magulang.

 

Suwerteng kulay: Dilaw

Suwerteng numero: 19, 37, 52

Suwerteng OPM song: Bitiw ng Sponge Cola

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Wheat bread at biskwit

 

Illustration by John Carl Aujero

Leo (July 23 – August 22)

Malas ka man sa iyong academics ngayong termino, magiging masaya at kakilig-kilig naman ang mga darating na karanasan para sa iyo ngayong buwan na ito dahil naging mabuti kang nilalang sa pagbubukas ng 2017. Panahon na upang anihin ang mga itinanim at huwag kalimutang magpasalamat sa pagdating ng Kanyang biyaya.

 

Suwerteng kulay: Brown

Suwerteng numero: 1, 15 at 38

Suwerteng OPM song: Sana’t Laging Magkapiling ni April Boy Regino

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Grapefruit

 

Illustration by John Carl Aujero

Virgo (August 23 – September 22)

Kung mayroong summer time, syempre nariyan din sa paligid ang pinaka-inaabangan mong summer love. Ngunit huwag magpadala sa bugso ng damdamin dahil maaaring hanggang summer lang din mamayagpag ang inyong pagtitinginan. Maging mapanuri sa lahat ng pagkakataon.

 

Suwerteng kulay: Pula

Suwerteng numero: 4, 18 at 49

Suwerteng OPM song: Dahil Tanging Ikaw ni Jaya

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Nilagang itlog

 

Illustration by John Carl Aujero

Libra (September 23 – October 22)

Ito na ang panahon upang sumubok at makaranas ka ng mga bagay na bago at hindi mo pa nagagawa sa iyong buhay. Maaaring sumubok ng bagong sports at iba pang self-enriching classes, o kaya nama’y sumali sa mga volunteering o outreach programs ngayong tag-araw.

Suwerteng kulay: Orange

Suwerteng numero: 3, 20, 44

Suwerteng OPM song: Sana’y Wala Nang Wakas ni Sharon Cuneta

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Coconut oil

 

Illustration by John Carl Aujero

Scorpio (October 23 – November 21)

Dahil uso na naman ang pagdayo sa iba’t ibang lugar na swak gawing summer escapade, naglipana ang mga nagtitinda at nag-aalok online ng travel packages o roundrip ticket promos. Huwag kaagad masisilaw sa mga alok  nila sa murang halaga at baka mapamura ka na lang din bigla sa ipon mong sa isang iglap ay nawala.

Suwerteng kulay: Maroon

Suwerteng numero: 12, 27, 39

Suwerteng OPM song: Natatawa Ako ng Gabriela

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Full-fat yoghurt

 

Illustration by John Carl Aujero

Sagittarius (November 22 – December 21)

Hindi matutupad ang pangarap mong mapuntahan ang iyong summer bucket list kung patuloy ang iyong paggasta sa iyong baon na parang walang bukas. Hindi pa naman huli ang lahat upang magtipid ngayong summer at humabol sa pagbabakasyon bago dumating ang tag-ulan.

 

Suwerteng kulay: Itim

Suwerteng numero: 11, 31, 48

Suwerteng OPM song: Nanghihinayang ng Jeremiah

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Vegetable salad

 

Illustration by John Carl Aujero

Capricorn (December 22 – January 19)

Magpaalam na sa iyong fair skin kuno at bawas-bawasan ang pagka-kill joy sa matinding sikat ng araw ngayong tag-init. Subukan namang i-enjoy ang init ng araw kahit paminsan-minsan dahil hindi makukumpleto kailanman ang iyong summer body kung wala ang summer skin tone.

 

Suwerteng kulay: Puti

Suwerteng numero: 21, 30, 47

Suwerteng OPM song: Ikaw Na Nga ni Willie Revillame

Suwerteng pagkain para sa iyong beach body: Beans and legumes

Kanya-kanya man ng kapalarang haharapin ang bawat isa, ang mahalaga ay kung papaano pa rin panatitilihing masaya at makabuluhan ang paglipas ng bawat araw. Isa ang panahon ng summer kung saan swak na swak mag-outing, mag-bonding at mamasyal kasama ang mga minamahal sa buhay. Kasabay ng mainit na pamamayagag ng summer ngayon Marso, huwag kalilimutang mag-enjoy sa mga lakad at samantalahin ang panahong ito upang mag-ipon ng mga masasayang alaala kasama ang pamilya at barkada.


The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved