2015 Feb-ibig Hugot Playlist

2015 Feb-ibig Hugot Playlist

Pagsapit ng buwan ng Pebrero, simula na ang countdown hanggang Valentine’s Day. Para sa umasa, pinaasa at nagpaasa, narito ang Hugot Playlist na dadamay sayo ngayong Araw ng mga Puso.

Pagsapit ng buwan ng Pebrero, simula na ang countdown hanggang Valentine’s Day. Umuulan nanaman ng mga rosas, teddybear, chocolate at kung ano-anong eksena sa Plaza V o Greenway. Ngunit sa iba ay simula na ang bangungot at kalbaryo dahil naalala lang nila na sila ay single. Para sa umasa, pinaasa at nagpaasa, narito ang Hugot Playlist na dadamay sayo ngayong Araw ng mga Puso.

ed_sheeran_pub1_credit_ben_watts
http://press.atlanticrecords.com/ed-sheeran/

1. Thinking Out Loud by Ed Sheeran

Ang pambansang theme song ng bayan na dumaig sa God Gave Me You noong 2011.  Paulit-ulit na naririnig sa radio stations gayundin sa bibig ng mga kaibigan mong hopeless romantic. Nakakakilig ang mensahe ng kanta, lalo na ang mga linyang, “kiss me under the light of a thousand stars.” Babala dahil para sa mga bitter, walang forever dahil hanggang 70 lang sabi ni Ed.

Moonstar88
http://opm-musics.blogspot.com/2013/09/migraine-moonstar88.html

2. Migraine by Moonstar88

Throwback na hugot song ang isang ito ngunit di pa rin matatawaran ang tagos sa pusong mensahe. Simulang linya pa lang ay saksak puso na, “Oo nga pala, hindi nga pala tayo.” Kung natanggap mo na ito, congratulations! Maaari ka nang mag- moveon sa pagiging friendzoned.

UpDharmaDown
http://updharmadown.com/band/

3. Sana by Up Dharma Down

Sigurado ka bang naka-move on ka na? Kung nakaka-relate ka sa kantang ito ay baka hindi paa dahil “lumipas ay nagbabalik pala.” Ngayong February 14 sana ay mapagtanto mo kung may inaasahan ka pa. O kailangan mo pang marinig ang sagot sa linya ng awitin kung may “iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo?”. Isip-isip.

sam-smith-2014-billboard-650
http://www.billboard.com/articles/news/6099378/sam-smith-opens-up-about-love-sexuality

4. I’m Not The Only One by Sam Smith

Kung minsan kang nagbulag-bulagan sa katotohanan, hanggang kailan mo kayang tiisin ang mga linyang ito, “When you call me baby, I know I’m not the only one.” Para sa mga iniwan at ipinagpalit sa iba, tandaang mas karapat-dapat ka sa taong kaya kang mahalin gaya ng pagmamahal mo. Tandaan mo, hindi ka isang laruan.

13
https://astigmusics.wordpress.com/2013/03/03/parokya-ni-edgar/

5. Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar

Kung crush mo ang heartthrob at Ms. Famous sa school, kakantahan mo na lang ba sila nito? Neng, magkaiba ang goal sa dream pero sa ngalan ng pag-ibig ang imposible ay nagiging posible. Oh, umasa na naman? Tama na yan! kilos-kilos din kasi minsan kung may time, wag kang puro post sa Benilde Crushes!

do-no-reuse-taylor-swift-the-beat-bb36-sarah-barlow-billboard-650
http://www.billboard.com/articles/columns/pop-shop/6296366/taylor-swift-on-new-album-1989

6. All Too Well by Taylor Swift

Minsan effective din ang forgive but never forget dahil sa karanasan tayo ay natututo. Para sa nasaktan, huwag nang manisi at magturo baka manuno. Darating din ang panahon at masasabi mo ang “I remember it all too well” na walang anumang hinanakit sa kanya.

boyz-II-men
http://soultrain.com/2014/08/01/boyz-ii-men-better-half-lyric-video/

7. On Bended Knee by Boyz II Men

Can you tell me how a perfect love goes wrong?” ,walang perfect love, exam nga mahirap ma-perfect. “Oh God give me a reason“, pero siguradong lahat ng bagay ay may dahilan. Para sa nagkasala, sana sapat na ang on bended knee sa munggo at asin upang humingi ka ng tawad.

whitney_slider1_1_0_0
http://www.whitneyhouston.com/ca

8. Where Do Broken Hearts Go by Whitney Houston

Lumang awitin pero nasagot na ba? Saan nga ba sila patungo Mareng Whitney? Gaya nang iba pang parte ng ating katawan, nasusugatan ngunit naghihilom kapag uminom ng gamot. Maligaw man ang puso mo baka mahanap naman ito ng bagong Bae na mag-aalaga sa puso mo.

Morrison-James-james-morrison-4272213-1680-1261
http://www.fanpop.com/clubs/james-morrison/images/4272213/title/morrison-james-photo

9. Broken Strings by James Morrison

Hindi lahat ng nasira ay kaya ng Mighty Bond. Ang puso ba pwede lagyan ng band-aid? Meron bang paracetamol sa nasirang tiwala? Baka dapat nang mag-let go ka kahit na ” the truth hurts and lies worse” sabi sa kanta. Paano mo pa ipaglalaban ang relasyon kung “when I love you a little less than before” na ang current status mo?

RyanCabrera_900-600-04-03-13
http://www.ryanseacrest.com/2013/04/03/ryan-cabrera/

10. True by Ryan Cabrera

Para sa umasa, umaasa at hanggang ngayon umaasa pa rin dahil sa katorpehan. Magkape na lang tayo at iburol na lang natin yang feelings mo. Tapos magpalugaw ka sa 40 days. Baka ngayong Valentine’s Day na ang panahon para sabihin mong “so I will not hide, it’s time to try anything to be with you.” Galaw-galaw rin baka maunahan.

Michael-Pangilinan
http://philnews.ph/2014/09/19/michael-pangilinan-profile-bios-guest-abunda-aquino-tonight-video/

11. Pare by Michael Pangilinan

Para sa mga na #PareZoned o #MareZoned out there! Ang hirap kapag umamin ka sa kaibigan mong mahal mo siya diba? Tapos pareho pa kayo ng sekswalidad. Pero ika nga ng kantang ito “Wala namang magbabago sa pagtingin ko saiyo” pero yun nga lang “Pare kaibigan lang kita”. Ayos lang yan! Di mo talaga mapipilit na mahalin ka ng isang tao. May dadating din para saiyo. Don’t worry! Hindi kailangan magkulong sa kwarto kung wala kang lovelife ngayong darating na Valentine’s Day. Sinong may sabi na pang couples lang ang February 14? Hala, sige, makipag-date ka sa iyong family at friends na truelove ang binibigay sayo. Wag ka ng mag-inarte pa dyan!


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved