Hulascope: MarSo Fantastic

Hulascope: MarSo Fantastic

Halina’t alamin ang iyong kapalaran at mga kantang magbibigay suwerte sayo ngayong buwan ng Marso.

header
Dibuho ni Francis Tadeo

“The struggle is real” ika nga nila, pero iba talaga ang pakiramdam ‘pag nalampasan mo ang mahihirap na midterm test nila prof, lalo na’t hindi mo inaakalang papasa ka. Mapapasigaw ka nalang bigla ng “Sa wakas!” o kaya “Salamat Lord!”. Tapos na ang mga mahahabang puyatan o pag-inom ng isang drum na kape para makapagreview pero hindi pa tapos ang  iyong kapalaran. Kung mababa ang iyong grade, parang love life lang yan, palaging may second chance kung ipaglalaban mo.

Aquarius (January 20 – February 18)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

‘Wag mawalan ng pag-asa kung ika’y nasa gitna ng pagsubok ngayong sem at kung pakiramdam mo’y nanlalamig ang 4.0 sa iyo ngayon. Pagsubok lang ‘yan at wag mong susukuan dahil matutuwa ka sa resulta nitong paghihirap mo. Suwerteng numero ay 1.0, 1.5, 2.5, 2.0. Suwerteng OPM music ay Pusong Bato ni Renee dela Rosa.

Pisces (February 19 – March 20)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Subukang ibahin ang iyong daily routine dahil may mga bagay na nakagawian na nakakasira sa ating pag-aaral. Kung inisip mong siya na ang study buddy at lovey dovey mo sa panghabang buhay, lalong maging maingat at umiwas pansamantala ganitong tukso. Suwerteng numero ay 3, 6, 9, 12. Suwerteng OPM music ay Ang Huling El Bimbo ng Eraserheads.

Aries (March 21 – April 19)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Mas masarap tingnan at namnamin ang grado o mga karangalan kung ito’y pinaghihirapan. Wag magpaakit sa tukso na dala ng iyong mga kabigan dahil maari kang dalhin nito sa masamang kalagayan. Suwerteng numero ay 2, 39, 33, at 14. Suwerteng OPM music ay Huwag Mo Nang Itanong ng MYMP.

Taurus (April 20 – May 20)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Wag maging paasa o gumawa ng mga palusot sa mga gawain o meeting ng iyong kagrupo para makatakas. Tulungan sila dahil may mga bagay kang taglay na makakatulong sa kanila. Suwerteng numero ay 37, 5, 11, at 29. Suwerteng OPM music ay Bitiw ng Sponge Cola.

Gemini (May 21 – June 20)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Tanggalin ang pananaw na porket bumagsak ka, babawian mo na agad sa STAR ang mga prof mo. Mas mabuting patunayan mo sa kanila sa magandang paraan na karapat dapat kang makakuha ng 4.0. Suwerteng numero ay 21, 3, 6, at 18. Suwerteng OPM music ay Same Ground ni Kitchie Nadal.

Cancer (June 21 – July 22)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Kung nanghihina ka na dahil sa mga sunod-sunod na kritisismo, panibagong simula ito para ibangon ang iyong sarili. Gawin lakas ang kanilang mga puna sa klase para mag-aral ng mabuti. Huwag pumayag sa pagmamaliit nila! ‘Di lang nila alam na ikaw talaga si Darna. Suwerteng numero ay 2, 35, 26, at 40. Suwerteng OPM music ay Narda ng Kamikazee.

Leo (July 23 – August 22)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Mapapansin mong kung sinasamantala ka ng mga kaklase mo sa mga sagot na binibigay mo tuwing may quiz o test. Tulungan sila mag-aral, hindi para mangopya. Akayin sila patungo sa mabuting landas. Suwerteng numero ay 44, 37, 31, at 10. Suwerteng OPM music ay Hawak Kamay ni Yeng Constantino.

Virgo (August 23 – September 22)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Dami mo laging post at tweet sa ibang bagay pero pagdating ng exam “nganga” na. Dalangan ang paggamit ng mga social networking sites. Sa pagbabalik mo, i-tweet mo na yung maganda mong grades o i-post mo ang certificate na deanslister ka. Suwerteng numero ay 39, 31, 19, at  24. Suwerteng OPM music ay Tell Me Where it Hurts ng MYMP.

Libra (September 23 – October 22)

Libra

Kung minsan ay humingi ng advice o gabay sa mga taong nakakatanda sayo sa desisyon mo sa buhay lalo na kung tungkol sa pag-aaral. Wag maging makasirili sa mga desisyon kung nagdadalawang isip. Suwerteng numero ay 18, 9, 3, at 6. Suwerteng OPM music ay Masdan Mo Ang Kapaligiran ng Asin.

Scorpio (October 23 – November 21)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Hindi lahat nangyayari sa buhay mo ay tadhana. Minsan kagustuhan mo yan kaya ganyan ang nagiging resulta. Gawing aral ang mga masasakit na karanasan at ipagpatuloy ang mabubuting nasimulan. Suwerteng numero ay 9, 16, 13, at 37. Suwerteng OPM music ay Spoliarium ng Imago.

Sagittarius (November 22 – December 21)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Mahal ang tuition kaya sulitin ang bawat pera na nilalaan sa iyo ng magulang mo. Lalo kang tutuksuhin ngayon sem sa paggastos kaya maging maingat. Saka mo na rin isipin ang taong nanakit sa iyong mga damdamin, kaya’t sa ngayon, kumanta ka na lang muna ng sikat na kanta ni Nina. Suwerteng numero ay 28, 6, 32, at 44. Suwerteng OPM music ay Someday ni Nina.

Capricorn (December 22 – January 19)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Kung terror ang prof mo ngayon, kapit lang at isipin na ang huling pagtutuos niyo ay sa stage na ng PICC. Sikapin mong  makaligtas ng may magandang grade sa klase niya ngayong sem. Suwerteng numero ay 32, 23, 14, at 28. Suwerteng OPM music ay Jeepney ng Sponge Cola.


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved