Hulascope: Apir, Abril!

Hulascope: Apir, Abril!

 

Naihanda mo na ba ang iyong beach bag, sunblock, shades at sundress, sabay nalaman mong kaunti lang ang oras mo para magsaya sa ilalim ng araw ngayong Abril, dahil kakaunti lamang ang oras mo para sa isang pinakahihintay na summer escapade mo ngayong taon? Huwag mangamba dahil maaari pa ring sumang-ayon ang mga bituin sa iyo ngayong Abril. Alamin ang iyong kapalaran!

 

Aquarius (January 20 – February 18)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Papalapit na ang break na matagal mo nang hinihintay. Hindi man mahabang summer break, pero isang malupit na break kung saan ma-di-diskubre ang talento at kakayahan mong magiging factor sa matagumpay na internship! Masuwerteng gulay: labanos.

 

Pisces (February 19 – March 20)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Tulad kay Aquarius, ang pagiging bibo kid mo ang magdadala sa iyo sa kung saan-saan. BABALA: Iwasang maging masyadong papansin, dahil a) maaari ka nitong dalhin sa OSB o b) maaari ka nitong dalhin sa loob ng contemplation room para magmuni-muni at ma-realize ang sobrang kabibuhan sa buhay. Masuwerteng gulay: pechay.

 

Aries (March 21 – April 19)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Dahil sa pagiging fire sign, kailangan mong ilagay sa listahan ng iyong goals ngayong Abril ang pag-enhance sa hubog ng iyong katawan at imahe, sa panloob at panlabas. Ang pawis na tatagaktak ngayong tag-init ay magandang paraan upang ika’y lalong maging slim. Masuwerteng gulay: sayote.

 

Taurus (April 20 – May 20)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Sa muling pagbukas ng ikaapat na kabanata ng taon, punasan muna ang alikabok na naipon. Sa madaling salita, tapusin mo na kaagad ‘yang plates at paper mo dahil April na, next week ay finals na. Huwag hayaang may humadlang sa pag-arangkada pataas ng naghihingalo mong 1.5 noong midterms. Masuwerteng gulay: mustasa.

 

Gemini (May 21 – June 20)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Magiging mailap ang dagat sa iyo ngayong buwan. Kung magkakaroon man kayo ng pagkakataong magkita, magkakasalubong lamang ang inyong mga mata ngunit hindi kayo titigil sa isang lugar upang magkasama nang matagal. Sisihin ang geometry at ang intersecting lines. Masuwerteng gulay: kundol.

 

Cancer (June 21 – July 22)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Makalipas ang tatlong buwan, salamat at muli ka na namang nakatagpo ng makakatapat mo. ‘Wag nang magdalawang isip at kung sa tingin mo’y siya na ang perfect na kalaban sa chess at perfect partner sa chinese garter, kausapin mo na’t patulan ang kahit na anong banat at ka-kornihang ipapakita niya. MaMasuwerteng gulay: patola.

 

Leo (July 23 – August 22)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

‘Di ka man buntis ay paglilihian mo ang pasencia cookies ngayong buwan. Maging pasensyoso, huwag magmadali dahil ilang kembot na lang naman at makakamit mo na ang ilang araw na term break! Kumendeng na with poise habang tinatapos ang terminong ito. Masuwerteng gulay: sitaw.

 

Virgo (August 23 – September 22)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Nagkamali ka sa hindi mo pag-amin sa kanya noong nakaraang summer. Iba na ang mga bagay ngayon, lubog na siya sa acads at naka-move on na siya sa akala niyang one-sided na pagtingin sa iyo dati. Kung may alinlangan pa’y ilabas mo na ‘yan. Masuwerteng gulay: sigarilyas.

 

Libra (September 23 – October 22)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Isa ka pa, matuto ka sa pagkakamali ng pinsan mong si Virgo. Aminin mo na sa prof mong ikaw ang may pakana ng usapan ng iyong block na umalis na pagkatapos ng 28 minutes na wala pa sya. Kaunting tumbling na lang naman ay tapos na ang pagtitiis sa late niyang pagdating sa klase. Masuwerteng gulay: kalabasa.

 

Scorpio (October 23 – November 21)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Kung ‘di ka nakapag-bandera ng beach body mo noong nakaraang taon, huwag kang mag-alala dahil conservative ang tatay mo at ‘di ka pa rin niya papayagan ngayong taon. Pero maaari ka nang mag-enjoy sa pagpunta sa dagat pagkatapos ng pagkalubog mo sa term papers. Masuwerteng gulay: upo.

 

Sagittarius (November 22 – December 21)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Huwag ka nang maghintay na malaglag ang bayabas sa iyong bunganga dahil baka ‘di mo mamalayan ay buko na ang malaglag sa ulo mo. Huwag nang hintayin na lumagapak ka ngayong term sabay sabi na “seseryosohin ko na talaga next term, pramis, peksman.” Kumilos na’t malapit nang dumating ang liwanag. Masuwerteng gulay: bataw.

 

Capricorn (December 22 – January 19)

Dibuho ni Francis Tadeo
Dibuho ni Francis Tadeo

Masuwerte kang makakaalpas sa dagok ng stress na naipon mo noong Marso. Sa pag-ahon mo sa beach sa darating na break, sabay rin na aahon ang mga problema mo’t alinlangan, sabay wisik ng kamay at buhok dahil magmamadali ka na’t parating na ang third term. Masuwerteng gulay: patani.

 

Kumapit na sa kinauupuan dahil ‘di ka maaaring bumitaw sa mga kakaharapin sa buwan ng Abril. Lalo pa’t parating na ang hayahay break na matagal mo nang inaasam-asam. Tandaan na ang kapalaran mo ngayong buwan ay hindi kontrolado ng alon sa dagat, tanging taimtim na dasal at bonggang kembot lang ang kailangan at makakaalpas ka rin!

 


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved