Hulascope: Mayong Malupet

Hulascope: Mayong Malupet

Ano nga ba ang kahihinatnan ng efforts mo sa buwan na ito? Alamin ang magiging kapalaran ayon sa iyong mga nagawa ngayong Mayo.

Ilang araw na lamang at magtatapos nang muli ang buwan pero may pabaon pa ang mayo sa iyo bago magpalit ng pahina sa kalendaryo! Kumpyansa ka ba sa naging umpisa ng terminong ito, o medyo tagilid? Narito ang isa na namang hulascope na gagabay sa iyo bago ka tumahak sa pagtatapos ng Mayo. Alamin!

Illustrated by Jaztin Yabut

Aquarius (January 20 – February 18)

Illustrated by Jaztin Yabut

Tagilid man ang mga nakaraang araw mo, darating at matutupad naman ang inaasam mong matataas na iskor ngayong papasok na midterm exam. Suwerteng numero ay 21, 5, 25, 16. Suwerteng OPM music ay Pare Ko ng Eraserheads.

Pisces (February 19 – March 20)

Illustrated by Jaztin Yabut

Maging mapanuri sa mga bagong tao sa iyong paligid dahil isa sa mga ito ang magbibigay sa’yo ng matinding problema. Suwerteng numero ay 32, 17, 23, 1. Suwerteng OPM music ay Anak ni Freddie Aguilar.

Aries (March 21 – April 19)

Illustrated by Jaztin Yabut

Mainit si Prof. sa’yo ngayong term ngunit wag siyang susukuan dahil mayroong siyang magandang grade na ibibigay sayo. Sumunod at makiisa lang sa kanyang klase. Suwerteng numero ay 9, 27, 23, at  2. Suwerteng OPM music ay Elesi  ng Rivermaya.

Taurus (April 20 – May 20)

Illustrated by Jaztin Yabut

Nasa palagid mo na ang iyong Forever. Subukang babaan ang iyong standard at expectation para makaiwas sa kabiguan. Suwerteng numero ay 10, 15, 31, at 27. Suwerteng OPM music ay 214 ng Rivermaya.

Gemini (May 21 – June 20)

Illustrated by Jaztin Yabut

Maniwala sa iyong sarili na magaling ka sa bagay na iyong tinatahak. ‘Wag sumuko dahil lamang sa mga kritisismo ng mga taong nasa paligid mo. Mayroon kang karangalang makukuha ngayong buwan. Suwerteng numero ay 3, 30, 10, at 4. Suwerteng OPM music ay Alapaap ng Eraserheads.

Cancer (June 21 – July 22)

Illustrated by Jaztin Yabut

Kailangan mong magsakripisyo upang maibalik ang mga bagay at pagkakataong nawala sa iyo noong mga nakaraang buwan. Laging simulan ang araw sa pamamagitan ng positibong pag-iisip.. Suwerteng numero ay 45, 27, 11, at 19. Suwerteng OPM music ay Umagang Kay Ganda nina Tillie Moreno at Ray-Ann Fuentes

Leo (July 23 – August 22)

Illustrated by Jaztin Yabut

Matutupad ang kahilingan na magbakasyon o makapunta sa matagal mo nang inaasam na lugar. Simulan mo nang magtipid para sa bagay na ito.  Suwerteng numero ay 47, 26, 13, at  2. Suwerteng OPM music ay Huwag Mo Nang Itanong ng Eraserheads

Virgo (August 23 – September 22)

Illustrated by Jaztin Yabut

Masasaktan ka sa mga mababasa mo sa iyong Facebook, ngunit ito ang magbibigay sa’yo ng inspirasyon para magpursigi at buksan ang iba pang talento. Suwerteng numero ay 35, 21, 17, at  4. Suwerteng OPM music ay Buloy ng Parokya Ni Edgar

Libra (September 23 – October 22)

Illustrated by Jaztin Yabut

Malakas ang papasukin mong negosyo ngayong bagong administrasyon. Kailangan mo ng mga tunay na kaibigan na susuporta sa’yo para lalo itong lumago. Suwerteng numero ay 8, 23, 31, at 46. Suwerteng OPM music ay Di Bale Na Lang ni Gary Valenciano

Scorpio (October 23 – November 21)

Illustrated by Jaztin Yabut

Matutuwa ang iyong magulang sa iyong makukuhang achievement ngayong buwan. Maniwala lang sa iyong talentong taglay. Suwerteng numero ay 19, 13, 42, at 22. Suwerteng OPM music ay Antukin ni  Rico Blanco

Sagittarius (November 22 – December 21)

Illustrated by Jaztin Yabut

Daragsa ang libre sa iyo ng iyong mga kaibigan. Ito rin ang ay simbolo upang maibahagi mo rin ang iyong biyaya sa ibang tao. Suwerteng numero ay 8, 4, 20, at 14. Suwerteng OPM music ay Hold On ng Side A.

Capricorn (December 22 – January 19)

Illustrated by Jaztin Yabut

Maraming temptation na darating sayo ngayong term mula sa iyong barkada. Piliin ang iyong sasamahan dahil isa sa kanila ang tunay na tutulong sayo sa mga gawain mo sa klase. Suwerteng numero ay 14, 33, 49, at 7. Suwerteng OPM music ay Ewan ng Apo Hiking Society

Ito ang feel good hulascope para sa iyo nang maging masaya ang pasok ng Hunyo mo, gayong magiging maulan ito at magpapalit na naman tayo ng administrasyon. Huwag sayangin ang nalalabing dalawang araw ng Mayo at gawin itong produktibo!


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved