Hulascope: Bagong Hunyo, bagong ako

Hulascope: Bagong Hunyo, bagong ako

Change is coming kaya simula na rin ang ating pagbabago sa kasabay ng pagdating ng bagong administrasyon.

 

Tapos na ang halalan. Mayroon na tayong bagong administrasyon at mga lider na mamumuno sa ating bansa at ito na rin ang pagkakataon para simulan ang bagong pamamalakad sa ating mga sarili. Hindi lang din ang mga kandidatong nagwagi sa halalan ang masuwerte ngayong Mayo, kundi ikaw rin. Naihanda mo na ba ang iyong sarili sa mga bagay na maaaring mangyari, bago pa sila opisyal na umupo sa kanilang pwesto? Alamin ang iyong kapalaran ngayong Hunyo.

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang at Francis Tadeo

Aquarius (January 20 – February 18)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Sumakay sa tamang sakayan dahil doon mo makikita si Ms/Mr Right. Wag din maging pasaway sa simpleng pagsunod nito dahil isa rin ito sa magbibigay sayo ng kamalasan. Suwerteng numero ay 3, 13, 21. Suwerteng OPM music ay With a Smile ng Eraserheads.

Pisces (February 19 – March 20)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Kung bagot na bagot ka na sa paulit-ulit na kapalaran ng iyong buhay, subukan mong sumali ng isang organisasyon. Baka ang desisyon mong ito ang makatulong sa iyo upang mahanap ang mga natatagong kakayahan. Suwerteng numero ay 19, 29, 2. Suwerteng OPM music ay Paano Ba Ang Magmahal ni Sarah Geronimo.

Aries (March 21 – April 19)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Natapos na ang naitakdang mga tungkulin ng isang administrasyon at panahon na rin ito upang matapos na ang paghihirap ng iyong sarili. Simulan mo ng maghanap ng mga bagay na makapagpapasaya at makakatulong sa iyo upang unti-unti kang makabangon sa masalimuot na nakaraan. Suwerteng numero ay 6, 15, 28, 7. Suwerteng OPM music ay Tadhana ng Up Dharma Down.

Taurus (April 20 – May 20)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

“Change is coming” ika nga, kaya magkaroon kana ng pagbabago sa iyong routine dahil para makuha ang iyong inaasam na 4.0. Suwerteng numero ay 4, 15, 24. Suwerteng OPM music ay Buloy ng Parokya ni Edgar.

Gemini (May 21 – June 20)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Kung ang mga puwesto sa ating pamahalaan ay napapalitan, ganoon din ang mga kaibigang walang naidudulot na maganda sa iyong buhay. Maging mapanuri sa mga pagkakatiwalaan mo upang hindi masaktan sa huli. Suwerteng numero ay 5, 10, 18. Suwerteng OPM music ay Kasama Kang Tumanda ni Toni Gonzaga.

Cancer (June 21 – July 22)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Kaibigan, tandaan na ang tunay na pagbabago ay magsisimula at nakasalalay sa pagpapabuti ng iyong sarili. Simulan ito sa pagtawid sa tamang lugar, malay mo ay sa paraang ito mo na mahanap si “The One”. Suwerteng numero ay 22, 1, 4. Suwerteng OPM music ay Anong Nangyari Sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra.

Leo (July 23 – August 22)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Oras na upang iyong sambitin ang iyong huling paalam sa mga minamahal mong mga bar at party houses tuwing sasapit ang araw ng Huwebes kung ayaw mong ang mga magulang mo mismo ang sumundo sa iyo sa presintong pagdadalhan sa iyo.  Suwerteng numero ay 1, 12, 22, 48. Suwerteng OPM music ay Paalam Na Aking Mahal ni Rachel Alejandro.

Virgo (August 23 – September 22)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Kailangan mo nang imulat ang iyong sarili sa katotohanang ang lahat ay dumadating sa punto ng pagbabago at siya ay kabilang sa mga nagbagong iyon. Mas makabubuti kung ititigil mo na lamang paghahabol sa kanya kung ayaw mong patuloy na magmukhang tuta sa kanyang paningin. Suwerteng numero ay 5, 19, 27, 52. Suwerteng OPM music ay Pangarap Ko Ay Ibigin Ka ni Regine Velesquez.

Libra (September 23 – October 22)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Tapusin ang mga nakabinbing gawain hanggang maaga pa lalo na sa iyong mga gurong mahilig magbigay ng nga proyekto at takdang aralin. Huwag hayaang matambakan ng trabaho kung ayaw mong maging letra, imbes na numero ang iyong maging grade sa SIS.  Suwerteng numero ay 10, 54, 39, 62. Suwerteng OPM music ay Halleluja ni Bamboo.

Scorpio (October 23 – November 21)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Magiging malapit ka ngayon sa isang uri ng sakit, ang sakit sa puso. Ngunit may kaakibat naman itong isang magandang balita. Magkakaroon na sa Pilipinas ng “911 service”. Magdiwang ka dahil paparating na ang hotline na magbibigay lunas at muling bubuo sa iyong wasak at duguang puso. Suwerteng numero ay 15, 30, 41, 69. Suwerteng OPM music ay Sinaktan Mo Ang Puso Ko ni Michael V.

Sagittarius (November 22 – December 21)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Sa pagpatak ng alas dose ng madaling araw, siguraduhin mong nasa loob ka na ng inyong pamamahay kung ayaw mong pulutin din sa presinto katulad ng Leo. Magpahinga nang maaga kung maaari at hindi yaong kung saan-saang lupalop ng mundo ka gumi-gimik kung kailan hating gabing malalim na. Suwerteng numero ay 18, 26, 44, 66. Suwerteng OPM music ay Init Sa Magdamag ni Sharon Cuneta feat. Nonoy Zuniga.

Capricorn (December 22 – January 19)

Dibuho ni Selina Bhang
Dibuho ni Selina Bhang

Matuwa ka at ngayo’y nasa kalahatian ka na ng term na ito. Ihanda na ang iyong drink-all-you-can supply ng Kopiko78 dahil sabik na sabik na ang iyong mga naiwang trabaho para maka-bonding ka sa buong magdamag, simula ngayong linggo hanggang sa mga susunod pa. Suwerteng numero ay 6, 17, 31, 53. Suwerteng OPM music ay Laklak ng The Teeth.

Bagamat nalalalapit na nga ang pagpapalit ng bagong administrasyon na mamamahala sa buong Pilipinas sa loob ng susunod na anim na taon, huwag pa ring kalimutan na walang kinalaman o magiging kinalaman ang mga namumuno sa ating bansa sa kung anumang swerte o kamalasang darating sa iyo ngayong Hunyo. Ang iyong kapalaran ngayong buwan ay nakasalalay pa rin sa tamang pagpili ng desisyon at pagkilos sa kung ano ang naaayon. Tandaan na ang pagkakaroon ng disiplina sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon ang siya pa ring magdadala sa iyo sa tuwid at mabuting kapalaran.

Sulat nina Brian Castillo at Hazel Sabando


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved