Hulascope: Umibig, umasa, nasaktan… ngunit iibig pa rin

Hulascope: Umibig, umasa, nasaktan… ngunit iibig pa rin

Nobyembre ay kilalang buwan ng mga kaluluwa at katatakutan, ngunit may mas nakakatakot pa sa mga multo at ‘di matahimik na kaluluwa. Ito ay ang pag-ibig, pag naranasan mo ito lahat na yata ng kaba at takot na hindi mo pa naramdaman ay lalapit at ipaparamdam sa’yo. Sabi nila may mga multong mapanakit ngunit wala nang mas sasakit pa sa pag-ibig, lalo na kung ikaw ay umasa at minsa’y naging tanga. Basahin mo ang kapalaran mo baka sakaling tamaan ka at magising sa katotohanan.

Aquarius (January 20 – February 18)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Makikipag-break sa’yo si jowa ngayon. Ipagluto mo ng masarap na putahe. Buy 1 Take 1 ngayon ang vetsin.

Lucky color: Black (tulad ng puso niya)
Lucky number: 52
Theme song of the day: Shout out to my ex by Little Mix

Pisces (February 19 – March 20)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Ang hanap mo: smart, witty, adventurous, sapiosexual (kahit ‘di mo alam anong ibig sabihin), with a sense of humor and sexy. Aba, tigilan mo ang kakatinder at magtapos muna.

Lucky color: Gray
Lucky number: 65 (grade mo sa Math)
Theme song of the day: Batang-bata ka pa by Apo Hiking Society

Aries (March 21 – April 19)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Tigilan mo ang kakahabol sa mga hindi ka gusto. Tao ka, hindi aso. Wala silang mga puso, dahil saging lang ang may puso.

Lucky color: Turquoise.
Lucky number: 6, 9
Theme song of the day: Chasing Pavements ni Adele

Taurus (April 20 – May 20)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Kaya siya galit sa’yo dahil late ka nung huling date nyo. Hindi kayo umabot sa promo na free half-chicken.
Lucky color: Periwinkle
Lucky number: 20
Theme song of the day: Yakap sa Dilim by Orange and Lemons

Gemini (May 21 – June 20)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Kailan mo susukuan ang paggamit ng Tinder? Baka mapudpod ang daliri mo sa kaka-swipe to the left to the right. Bakit ‘di mo subukan lumabas, mag-jogging at magpapawis. Dito mo makikilala ang matagal mo nang hinahanap, hindi yung maghapon kang nakatitig sa cellphone. Maganda ito sa kalusugan sesexy ka pa.  

Lucky color: Amber
Lucky number: 88
Theme song of the day: Mahal ko o mahal ako by KZ Tandingan

Cancer (June 21 – July 22)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Maalala mo siya sa lahat ng bagay, lugar at pangyayari. Kahit sa pag-order mo ng double cheese burger sa Mcdo at paghahanap mo ng mauupuan ay maaalala mo siya dahil dito kayo madalas tumambay, dito rin ang first date niyo at ang pinakamasakit sa lahat ay dito rin kayo nagbreak.

Lucky color: Red at yellow
Lucky number: 86236
Themesong of the day: Tuloy pa rin by Neocolors

Leo (July 23 – August 22)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Wag kang assuming, hindi kayo. Tigilan ang effort dahil hindi magiging kayo. At saka gusto mo ba talagang makasama habambuhay ang nagtetext sayo ng “gud nyt phousz”?

Lucky color: Lavender
Lucky number: 11
Themesong of the day: Migraine by Moonstar 88

Virgo (August 23 – September 22)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Ferris wheel ka ba? Kasi sa’yo na umiikot ang mundo niya. Paki-update ang resume mo today. Professional ferris wheel operator at Star City. Ktnxbye

Lucky color: Peach
Lucky number: 72
Themesong of the day: Beautiful Liar by Beyonce and Shakira

Libra (September 23 – October 22)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Timbangin mong mabuti kung sino sa dalawa mong kaharutan ang pipiliin. Or pwede namang wag kang mamili. Pwede namang sabay sila. Tulad ng kung paano kayo pinagsabay ni ex ng bespren mo.

Lucky color: Indigo
Lucky number: 1.
Themesong of the day: Sana dalawa ang puso ko by Bodjie Dasig

Scorpio (October 23 – November 21)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Bawasan ang pagkain ng balimbing kung ayaw mong umasim ang iyong kapalaran. Huwag magmadali at piliing mabuti kung sino sa jowa ng bestfriend ng pinsan ng lola mo ang gusto mo. Pero keri lang, huwag lang pagsasabayin.

Lucky color: Beige
Lucky number: 13
Theme song of the day: Tukso ni Eva Eugenio

Sagittarius (November 22 – December 21)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Tigil-tigilan ang pagiging bitter kung makita na may gf/bf na si crush, dahil ampalaya lang ang may karapatang maging mapait. Maging matapang at maagap para ‘di maunahan.

Lucky color: Lilac
Lucky number: 33
Themesong of the day: Akin ka na lang by Morisette Amon

Capricorn (December 22 – January 19)

Illustration by Isabel Weber
Illustration by Isabel Weber

Sasaya ka sa araw na ito dahil magkakasama kayo ni crush sa isang event. Pero hindi na uli kayo magkikita. Hindi naman sinabing sasaya ka pa rin bukas, di ba?
Lucky color: Fuchsia
Lucky number: 101
Themesong of the day: Tadhana by Up Dharma Down


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved