Hulascope: Pebrerong Feb-ibig

Hulascope: Pebrerong Feb-ibig

Kahit saang dako, mapapalibutan ka ng mga puso; isama mo pa ang mga pulang rosas, love songs na paulit ulit pinatutugtog, nagtatamisang tsokolate at nagbobolahang mag-kasintahan sa daan. Ito ang iyong makikita tuwing Pebrero sa paggunita ng kapistahan ni San Balentino.

Dahil kapos ang mga araw sa buwan na ito, kakapusin ka rin ba sa iyong buhay pag-ibig? Alamin ang naghihintay na swerte ngayon buwan para sa’yo sa pamamagitan ng iyong zodiac sign.

Illustration by Nyna Mapusao

Aquarius (January 20 – February 18)

Nakita mo na ang soulmate mo ngunit nagbubulag-bulagan ka pa rin sa ex mo na pinagpalit ka sa kaibigan mo. Magsuot ka na ng salamin dahil baka lumalabo na ang iyong paningnin. Mag-move on ka na dahil naka-move on na siya. Matutong bigyang pansin ang nasa paligid mo at ‘wag lamang magpokus sa mga masasakit. Marami pang iba diyan na makakapagpasaya sa’yo.

Suwerteng kulay: Berde at kulay-abo

Suwerteng numero: 8, 17 at 70

Suwerteng OPM song: Tuloy Pa Rin ng Neocolours

Suwerteng bagay para may “poreber”:  Tiniklop na papel na may pangalan ni crush

Illustration by Nyna Mapusao

Pisces (February 19 – March 20)

Isa kang dakila! Dahil sa iyong matatamis na salita at panghokage na galawan ay maraming kang napapaibig. Ngunit kahit maganda ang intensyon mo, iba ang nagiging interpretasyon kaya mag-ingat dahil baka akala ng iba ay ginagawa mo silang parte ng koleksyon mo.

Suwerteng kulay: Pula at dilaw

Suwerteng numero: 4, 20 at 31

Suwerteng OPM song: Mambobola ni Zsa Zsa Padilla

Suwerteng bagay para may “poreber”: Pinatuyong talutot ng bulaklak

Illustration by Nyna Mapusao

Aries (March 21 – April 19)

Panahon na ngayon upang pakawalan ang mga puot sa damdamin. Patawarin na ang mga taong nakasakit sa’yo at bigyan ng pagkakataon na magbago. Apoy ang iyong elemento kaya magiging mainit ang iyong buhay romansa at pag-ibig. Ngunit panatilihing ang balanse sa relasyon dahil baka panlalamig ng iyong kasintahan ang maging kapalit.

Suwerteng kulay:  Kahel at lila

Suwerteng numero: 2, 21 at 90

Suwerteng OPM song: Magmahal Muli – Bailey and Ylona

Suwerteng bagay para may “poreber”: Infinity ring

Illustration by Nyna Mapusao

Taurus (April 20 – May 20)

Napakahirap mong basahin. Walang masama sa pagpapakita ng tunay na nararamdaman dahil hindi ito tanda ng kahinaan. Iwasang itago ang damdamin upang makamit na ang iyong nais. Sa mga nanliligaw, ito na ang pinakahihintay niyo. Nakakainlab na harana, pagkain para sa buong pamilya at konting panguuto na lang ang kailangan at tiyak na mapapasagot mo na ang iniibig mo.

Suwerteng kulay: Itim at berde

Suwerteng numero: 6, 19 at 50

Suwerteng OPM song : Kakaibabe ni Donnalyn Bartolome

Suwerteng bagay para may “poreber”: Buhok ni crush

Illustration by Nyna Mapusao

Gemini (May 21 – June 20)

Huwag mag-alala dahil hindi ka lalapitan ng malas ngayong buwan. Masuwerte ka ngayon dahil binigyan ka ng jowa mo ng pangalawang pagkakataon kaya magbago ka na bago pa maging huli ang lahat.

Suwerteng kulay: Itim at rosas

Suwerteng numero: 10, 19 at 69

Suwerteng OPM song : Kabit ni Gagong Rapper

Suwerteng bagay para may “poreber”: Unan na may mukha ni crush

Illustration by Nyna Mapusao

Cancer (June 21 – July 22)

Masyadong kang nagseselos pero hindi naman dapat.  Hindi porke maraming gustong umagaw sa kasintahan mo ay ipamimigay mo na siya at susuko ka na agad. Lumaban ka, ipaglaban mo siya at ipaglalaban ka rin niya. Tiwala lang sapat na.

Suwerteng kulay: Pula at asul

Suwerteng numero: 14, 11 at 30

Suwerteng OPM song: Tiwala ng Breezy Boyz ft. Kejs Breezy.

Suwerteng bagay para may “poreber”: Couple shirt

Illustration by Nyna Mapusao

Leo (July 23 – August 22)

Suyuin mo na ang iyong nagtatampong minamahal.. Alam niyang gusto mo na siyang ipakilala sa pamilya mo pero hindi pa siya handa kaya maghintay na lang ng tamang panahon. Huwag kang padalos-dalos sa desisyon at matutong konsultahin siya upang hindi malamatan ang inyong relasyon.

Suwerteng kulay: Kulay ginto at pilak

Suwerteng numero: 7, 18 at 60

Suwerteng OPM song: Dahan-Dahan Lang ni Maja Salvador

Suwerteng bagay para may “poreber”: Bungkos ng bulaklak na galing sa kasal

Illustration by Nyna Mapusao

Virgo (August 23 – September 22)

Maraming pagbabago sa buhay mo simula nang nagkaroon ka ng kasintahan. Baguhan ka pa lang sa pag-ibig kaya pag-isipang mabuti ang mga balak mong gawin. Huwag kang mag-alala dahil “poreber” na kayo ng mahal mo ngayon.

Suwerteng kulay: Dilaw at luntian

Suwerteng numero: 3, 10 at 22

Suwerteng OPM song: Ngiti ni Ronnie Liang

Suwerteng bagay para may “poreber”: Kwintas na may initials ni crush

Illustration by Nyna Mapusao

Libra (September 23 – October 22)

Kung nasaktan ka man, hindi pa huli ang lahat para buksan mo ulit ang iyong puso. Mas may karanasan ka na ngayon sa pag-ibig kaya nama’y huwag hahayaang magkamuli muli. Makikita mo ang soulmate mo sa pinakakinatatakutan mong lugar.

Suwerteng kulay: Kayumanggi at puti

Suwerteng numero:  1, 24 at 80

Suwerteng OPM song: Stupid Love ng Salbakuta

Suwerteng bagay para may “poreber”: Pendant na hugis puso

Illustration by Nyna Mapusao

Scorpio (October 23 – November 21)

Ito na ang pinaka magandang buwan upang sagutin siya. Sagutin mo siya sa 23 upang matanggal na ang sumpa. Huwag ka na magdalawang isip pa at baka may mang-agaw pa na iba.

Suwerteng kulay: Lila at itim

Suwerteng numero: 5, 20 at 45

Suwerteng OPM song: Alipin ng Shamrock

Suwerteng bagay para may “poreber”: Stolen picture ni crush

Illustration by Nyna Mapusao

Sagittarius (November 22 – December 21)

Tama na ang pag-asa na babalikan ka pa niya at bigyang pansin ang taong nasa paligid mo. Maraming tao ang gustong dumamay sa’yo. Hayaan mo lang na damayan ka dahil dito mo makikita ang magiging kasintahan mo.

Suwerteng kulay: Rosas at ginto

Suwerteng numero: 9, 16 at 40

Suwerteng OPM song: Di Na Ako Aasa Pa ng Introvoys

Suwerteng bagay para may “poreber”: Fansign ni crush

Illustration by Nyna Mapusao

Capricorn (December 22 – January 19)

Tama na muna sa masyadong pagpokus sa pang-akademikong aspeto. Marahil magiging maganda ang career mo pero hindi ito magiging maganda sa relasyon mo sa pamilya mo at lalong lalo na ng labidabs mo. Balikan ang dating tagpuan at duon magdate upang maibalik ang init ng pag-ibig.

Suwerteng kulay: Puti at asul

Suwerteng numero: 12, 13 at 36

Suwerteng OPM song: Pakipot ni Donna Cruz

Suwerteng bagay para may “poreber”: Piktyur na galing kay crush

Walang sinuman ang makakadikta ng iyong kapalaran kundi ikaw lamang. Ang Hulascope ay nagsisilbing gabay lamang sa inyong magandang kinabukasan. Lakasan ang loob at tibayan ang dibdib at sabay sabay nating harapin ang buwan ng pag-ibig. Ating batiin: Pebrero, isang maligayang pagdating.

Sinulat ni: Jam Laciste


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved