Hulascope: Abril na sa wakas

Hulascope: Abril na sa wakas

Panandaliang kalimutan ang mga responsibilidad sa pamantasan at magtampisaw sa iba’t ibang tabig-ilog dahil Abril na sa wakas.

Palawan, Boracay, at Baguio; ito’y iilan lang sa mga lugar na naglalaro sa iyong palaisipan. Sa katatapos lang na unang sangkapat ng taon na puno ng responsibildad, sa wakas ay may pagkakataon ka ulit na mabawasan ang mga nakasulat sa iyong bucket list. Ngunit dahil pinagkaitan ka ng mahabang bakasyon, mainam na alamin ang mga paraan upang gawing makabuluhan parin ang iyong bakasyon.

 

 

Aries (March 21 – April 19)

Mag-ayos ka na ng mga gamit mo at yayain ang buong barkada na mag-outing. Maganda sa Batangas maraming yummy. Magandang ehersisyo ang pag-jojog tuwing umaga. May tyansya na makita mo na si Mr. Right.

Suwerteng numero: 3, 6

Suwerteng OPM song: “Ang Huling El Bimbo” ng Eraserheads

Suwerteng kulay ng swimwear: Lila

Suwerteng summer destination: Laiya, San Juan, Batangas

Dibuho ni Nash Cruz

Taurus (April 20 – May 20)

Isa ka sa mga taong mahilig maglakwatsa tuwing bakasyon. Ngunit dapat ito’y iwasan muna dahil marami pa ang nakaatang sa’yo na responsibiliadad na maaring maging rason ng pagkakakapos mo sa badyet. Magandang gawain ngayon ang pagsasayaw kasama ng iyong mga kaibigan.

Suwerteng numero: 4, 8

Suwerteng OPM song: “Jeepney” ng Spongecola

Suwerteng kulay ng swimwear: Kahel

Suwerteng summer destination: Talisayan Cove sa San Antonio, Zambales

Dibuho ni Nash Cruz

Gemini (May 21 – June 20

Pagaaral ang naging prayoridad mo nitong nakaraang mga buwan na naging dahilan ng pagdagdag ng iyong timbang. Magandang libangan ngayon ang aerial yoga kaya yayain mo na ang tropa upang dito makabawi sa kanila.

Suwerteng numero: 5, 10

Suwerteng OPM song: “Sana Maulit Muli” ni Gary Valenciano

Suwerteng kulay ng swimwear: Berde

Suwerteng summer destination: Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas

Dibuho ni Nash Cruz

Cancer (June 21 – July 22)

Marami-rami ka nang nakain nitong mga nakaraang buwan. Marapat ay magbawas bawas ka na ng timbang dahil hindi na makakabuti sa’yo ito. Kumain ka dapat ng maraming prutas at uminom ng maraming tubig. Sabayan mo na rin ng zumba.  Prestoikaw ay seksi na!

Suwerteng numero: 6, 12

Suwerteng OPM song: “Panalangin” ng APO Hiking Society

Suwerteng kulay ng swimwear: Rosas

Suwerteng summer destination: Chocolate Hills sa Bohol

Dibuho ni Nash Cruz

Leo (July 23 – August 22)

Huwag sabayan ang init ng Abril ng init ng ulo. Marami ang nakalilimot ng mga inaatas mo na responsibilidad pero pagbigyan mo na sila dahil summer naman. Magandang ehersisyo para sa’yo ang paglalangoy tuwing gabi upang makapagisip-isip.

Suwerteng numero: 7, 14

Suwerteng OPM song: “Hiling” ng Paramita

Suwerteng kulay ng swimwear: Puti

Suwerteng summer destination: Solana Dive Resort sa Mabini, Batangas

Dibuho ni Nash Cruz

Virgo (August 23 – September 22)

Maghanda ka na ng mga gamit mo dahil isa sa mga araw na ito ay bigla ka na lang yayayain ng katropa mong mag-outing sa isang malayong lugar. Siguraduhin mong nakaayos na lahat ng gamit mo para hindi ka na mataranta. Magandang ehersisyo sa’yo ang aerial hoops.

Suwerteng numero: 8, 16

Suwerteng OPM song: “Sugod” ng Sandwich

Suwerteng kulay ng swimwear: Ginto

Suwerteng summer destination: Canigao Island sa Matalom, Leyte

Dibuho ni Nash Cruz

Libra (September 23 – October 22)

Maganda ang iyong performance nitong unang bahagi ng taon kaya nama’y paniguradong bibigyan ka ng iyong itay ng malaking allowance para sa iyong pinaplanong summer escapade kasama ng iyong jowa. Magandang ehersisyo sa’yo ang pagbibisikleta kasama ng labidabs mo.

Suwerteng numero: 9, 18

Suwerteng OPM song: “Hawak Kamay” ni Yeng Constantino

Suwerteng kulay ng swimwear: Luntian

Suwerteng summer destination: Lake Bababu sa Mindanao

Dibuho ni Nash Cruz

Scorpio (October 23 – November 21)

Masyado kang busy nitong nakaraang linggo kaya dapat lang ay matupad ang matagal mo nang pinaplanong bakasyon kasama ng iyong pamilya. Iwasan ang masyadong pag-iisip ng mga hindi naman mahalaga. Subukan mo ang aerial yoga.  

Suwerteng numero: 10, 20

Suwerteng OPM song: “Gitara” ng Parokya ni Edgar

Suwerteng kulay ng swimwear: Kulay Abo

Suwerteng summer destination: Lake Sebu sa South Cotabato

Dibuho ni Nash Cruz

Sagittarius (November 22 – December 21)

Masyado kang kuripot nitong nakaraang buwan kaya ngayon ay pwede ka na gumastos sa pinakamahal na pasyalan ngayong bakasyon. Ngunit, dapat lagi kang maging alerto dahil baka ikaw ay mawalan ng pera. Bagay sa’yo ang brisk walking tuwing umaga upang makapagisip-isip ng magandang bakasyunan.

Suwerteng numero: 11, 22

Suwerteng OPM song: “Ikaw Lamang” ng Silent Sanctuary

Suwerteng kulay ng swimwear: Dilaw

Suwerteng summer destination: White Beach at Mount Luho sa Boracay, Aklan

Dibuho ni Nash Cruz

Capricorn (December 22 – January 19)

Isa ka sa mga taong mainitin ang ulo. Dapat mong iwasan magalit dahil baka ito ang maging ugat ng alitan mo sa iyong mga kaibigan. Magandang libangan sa’yo ang ice skating.

Suwerteng numero: 12, 24

Suwerteng OPM song: “Wag Na Wag Mong Sasabihin” ni Kitchie Nadal

Suwerteng kulay ng swimwear: Pula

Suwerteng summer destination: Pamulaklakin Trail sa Subic, Zambales

Dibuho ni Nash Cruz

Aquarius (January 20 – February 18)

Tila isang kaisipan pa rin sa mga taong nakapaligid sa’yo kung paanong hindi ka tumataba kahit ikaw ay palakain. Panahon na upang sabihin ang sikreto mo upang sabay sabay kayo ng kaibigan mo magkaroon ng beach body. Bagay sa’yo mag-pole dance upang makasubok ka ng bagong pagsubok.

Suwerteng numero: 1,11

Suwerteng OPM song:  “Akin Ka Na Lang” ng Itchyworms

Suwerteng kulay ng swimwear: Kayumanggi

Suwerteng summer destination: Bomod-ok Falls sa Sagada, Mountain Province

Dibuho ni Nash Cruz

Pisces (February 19 – March 20)

Nakapagbawas bawas ka na ng timbang nitong nakaraang buwan. Ngunit dapat mong isipin ang iyong  kalusugan. Mas prayoridad ang malusog na kalusugan kaysa sa magandang pangangatawan. Maganda para sa’yo ang pagbabasketbol.

Suwerteng numero: 2

Suwerteng OPM song: “Bitiw” ng Spongecola

Suwerteng kulay ng swimwear: Asul

Suwerteng summer destination: Juag Lagoon Marine Sanctuary sa  Matnog, Sorsogon

 

Ngayong bakasyon ay hindi dapat natin dito lang ilaan ang lahat ng ating naimpok. May mga magagawa tayong paraan upang masulit ang bakasyon na hindi kailangan gumastos nang malaki. Lagi rin nating tatandaan na mas prayoridad ang ating kalusugan kaysa sa isang magandang katawan.

 

Isinulat ni Jam Laciste


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved