Hulascope: Bilad sa Initan Ngayong Santacruzan

Hulascope: Bilad sa Initan Ngayong Santacruzan

Sa pagpasok ng buwan ng Mayo, ramdam na ramdam na ang labis na init ng panahon na tila ba’y namumuhay tayo sa isang malaking sauna. Kahit gaano man nakapapaso ang tama ng araw sa ating balat, marami pa ring dahilan upang ganahan sa araw araw. Tara’t silipin ang nakaabang na kapalaran mo sa buwan na ito.

Aries (March 21 – April 19)

Dibuho ni Ian Abella

Imbes na manaig ang pagdududa na nalikha buhat ng mga mapaghusgang mga mata, hayaan mong pagmamahal ang mangibabaw. Hindi kasalanan ang mahalin siya at hindi mali ang magmahal ng katulad niya.

Swerteng Numero: 7, 4, 20, at 17

Swerteng OPM: Pasensya Ka Na ng Silent Sanctuary

Taurus (April 20 – May 20)

Dibuho ni Ian Abella

Huwag magalala, kakayanin mo pang ipaglaban ‘yan. Hindi pa tapos ang inyong samahan basta’t magtiwala ka lang. Kapatid, nagkakamali ka kung itatapon mo na ang lahat ng pag-asa’t pagtitiwala sa kanya. Basta’t tandaan na wag mong pagdudahan ang inyong samahan.

Swerteng Numero: 77, 44, 83, at 20

Swerteng OPM:  Your Love ni Juris

Gemini (May 21 – June 20)

Dibuho ni Ian Abella

Darating ang pag-ibig sa’yo pero hindi ka pa sigurado kung siya na nga ba o isa na naman ba itong biro ng tadhana. Ang pag-ibig ay hindi isang kasinungalingan na nilikha ng padududa. Magtiwala ka na higit ang kabutihan ng puso kaysa sa kasamaan.

Swerteng Numero: 15, 6, 53, at 30

Swerteng OPM:  With a Smile ng South Border at Kelly Badon

Cancer (June 21 – July 22)

Dibuho ni Ian Abella

Huwag na magalala kung nagdududa kang tama ba ang iyong ginagawa, o kung may patutunguhan pa ba ang mga ito. May plano para sa inyo ang mundo, kaya’t kumapit ka lang at magtiwala sa kung ano ang meron kayong dalawa.

Swerteng Numero: 100, 39, 54, at 78

Swerteng OPM:  Sa’yo ng Silent Sanctuary

Leo (July 23 – August 22)

Dibuho ni Ian Abella

Kung sinusubukan mong bumangon mula sa pagkadapa, tandaan mo lang na huwag kang magpapatalo sa takot. Huwag kang mauubusan ng lakas ng loob dahil mahahanap mo rin siya. Basta’t laging tatandaan na huwag magpapaalila sa mga kasinungalingang naririnig.

Swerteng Numero: 64, 17, 39, at 43

Swerteng OPM:  Magbalik ng Callalily

Virgo (August 23 – September 22)

Dibuho ni Ian Abella

Tapos na ang iyong pakikinig sa mga kumpas ng mga sanga at ingay ng kuliglig. Bibigyan ka na niya ng sagot sa matagal mo nang tanong. Maging handa ka lang sa pakikinig at maging maunawain.

Swerteng Numero: 66, 16, 56, at 17

Swerteng OPM:  Hanggang Kailan ni Michael Pangilinan

Libra (September 23 – October 22)

Dibuho ni Ian Abella

Huwag mong hahayaang mabulag ka sa mga kasinungalingan ng mundo. Kapatid, kung nanghihinayang ka sa pag-alis niya, tandaan mo lang na hindi siya kawalan. Ang lahat nang mayroon ka ngayon ay bunga lamang ng iyong mga desisyon.

Swerteng Numero: 54, 24, 72, at 57

Swerteng OPM: Stay ni Daryl Ong

Scorpio (October 23 – November 21)

Dibuho ni Ian Abella

Wag mong hayaan na umikot sa iba ang iyong mundo. Palagi mo dapat tatandaan na ang pag-ibig na ibibigay mo sa sarili mo ay higit pa sa pag-ibig na ibinigay niya. Tapos na kayo, huwag mo nang lokohin ang sarili mo.

Swerteng Numero: 33, 4, 74, at 13

Swerteng OPM: Migraine ng Moonstar88

Sagittarius (November 22 – December 21)

Dibuho ni Ian Abella

Mahal ka niya, hindi totoo ang mga salitang kanyang binitawan. Magtiwala ka dahil ang mundo ay may ibang mensahe, kaya’t wag kang maniniwala sa salita na puro lamang kasinungalingan. Kung nababahala ka, mas mabuting tandaan na hindi ka dapat pangunahan ng iyong mga kinatatakutan.

Swerteng Numero: 4, 11, 20, at 16

Swerteng OPM: Friend of Mine ni Juris

Capricorn (December 22 – January 19)

Dibuho ni Ian Abella

Noong taong 2012, ang sabi nila magugunaw ang mundo, subalit nagkamali sila. Maliban na lang kung ang mundong tinutukoy nila ay ang mundo ninyong dalawa. Kung iniisip mo pa rin kung ano kaya mangyayari kung hindi kayo naghiwalay, malalaman mo na ang sagot sa tanong  na yan sa araw ng Santacruzan.

Swerteng Numero: 8, 15, 22, at 29

Swerteng OPM: Why Can’t It Be? ni Kaye Cal

Aquarius (January 20 – February 18)

Dibuho ni Ian Abella

Kung napapagod ka nang pigilan ang iyong mga nadarama para sakanya, hayaan mong tuluyan ka nang mahulog sa kanya. Kaibigan mo ang mga ulap, handa silang saluhin ka mula sa lawak ng kalangitan. Wag kang matakot umibig muli.

Swerteng Numero: 1, 14, 17, at 19

Swerteng OPM: Starting Over Again ni Toni Gonzaga

Pisces (February 19 – March 20)

Dibuho ni Ian Abella

Kung hindi mo pa rin kayang bumangon, ito’y marahil dahil hindi ka pa rin nagigising sa katotohanan, kasi hinihintay mo pa rin ang pagbalik niya. May mas maganda pang plano ang mundo ngayong buwan ng Mayo para sa’yo. Kaya’t tumayo ka na at dugtungan mo na ang kwentong tinalikuran mo noong umalis siya.

Swerteng Numero: 15, 3, 20 at 17

Swerteng OPM: If We Fall In Love ni Yeng Constantino
Ngayong buwan ng Santacruzan, nawa’y maalala natin ang tradisyon ng paghahanap sa “True Cross” ni Constantine the Great at Reyna Elena. At tulad nito, sana’y mahanap na rin natin ang ating mga tinatangi at pangarap sa buhay. Tandaan na ang Hulascope ay nagsisilbing gabay lamang kaya’t kailangan gawin ang parte natin sa daloy ng tadhana.


`

The Benildean Press Corps © 2017 . All Rights Reserved