Dibuho ni Ferns Aganus
Dibuho ni Ferns Aganus.

Tipid tips: Valentine’s Gimik


Bilang gabay sa darating na Valentine’s Day, basahin ang tipid tips na ito para menos gastos na, iwas butas-bulsa pa!


By Benildean Press Corps | Friday, 13 February 2015

Flowers, check! Balloons, check! Venue, che — hep hep! Teka muna, sigurado ka na ba sa nakalagay sa iyong checklist? I-double check mo muna! Bago sumapit ang Araw ng mga Puso, hindi lang dapat pogi/ganda points ang iyong maipon, mabuti na ring makaipon dahil sa pagtitipid! Kaya’t bilang gabay sa darating na Valentine’s Day, basahin ang tipid tips na ito para menos gastos na, iwas butas-bulsa pa!

Bpc Tipid Tips Banner 1024x535
Dibuho ni Ferns Aganus

What are friends for?

Bpc Tipid Tips 1
Dibuho ni Ferns Aganus

Nauuso ngayon ang kung ano-anong proposal na may kakaiba at kakilig-kilig na gimik. Nariyan ang may flash mob, inarkilang mga musikero, o di kaya’y inarkilang mga aktor na gagawa ng eksena sa isang lugar para sa planong sorpresa o proposal. Pero kailangan mo pa bang gumastos nang malaki para sa mga iyon kung nariyan naman ang mga kaibigan mo? “What are friends for?”, ika nga ‘di ba. maki-kuntsaba ka na lamang sa iyong mga kaibigan at mag-isip ng ibang gimik kung may plano kang sorpresa para sa iyong minamahal. Simpleng kartolina o tarpuline lang na may nakasulat na “I love you”, talaga namang magbibigay kilig na.

 

Sa bahay lang, sapat na.

Bpc Tipid Tips 2
Dibuho ni Ferns Aganus

Kung isang dinner date o lunch date naman ang iyong balak, bakit hindi ka na lamang sa bahay ninyo maghanda? Ilabas na ang mga kandila, mga bulaklak (kahit yung plastic lang na pang-center piece kung walang tunay), at ang mga tinatagong plato, kutsara’t tinidor ng iyong nanay para sa mga bisita. Ayusin nang maganda ang mesa o kaya naman ay gawin mong picnic style. Kung di marunong magluto, magpatulong ka na lamang kay mommy para sa pagkain. Makaka-menos ka talaga sa gastos dito, wala pang service charge! Maganda rin ito para getting to know each other ang peg sa pamilya mo, kung di mo pa napapakilala sakanila. Kung tinulungan ka ng nanay mo mag-ayos, hilutin mo na lang siya o kaya i-date mo na nalang after.

 

Galawang generous

Kung maraming reregaluhan para sa araw ng mga puso, walang masamang bumili ng mga Buy 1, Take 1 na gamit! Pumili na lamang ng assorted kung meron para magkakaiba sila ng matatanggap. Kung plano mo namang magbigay ng mga bulaklak, effect na rin ang tig-iisa para sa iyong mga kaibigan, lagyan mo na lang ng love note.

 

Letters promdi heart.

Kung nagbabalak kang magbigay ng card, mas tipid kung ikaw na lang ang gagawa. Sa karaniwang 30 pesos pataas na halaga ng Valentine’s Day cards, ilang makukulay na papel lamangna mabibili sa National Bookstore ay masusulit mo na ang halagang iyon. Pero siguraduhing may extra ballpen ka para walang abala sa taos sa puso mong pagsusulat.

 

Isa sa pinagdiriwang na araw ang Valentine’s Day dito sa ating bansa. Pero tandaan na hindi batayan kung gaano kamahal ang regalong natanggap at kung gaano ka-class ang kakainang restaurant. Ang mahalaga ay naipagdiwang mo ito kasama ang iyong mga minamahal sa buhay. Ugaliing iparamdam ang pagmamahal sa iyong kapwa kahit hindi February 14! Spread the love!

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021