Sa kabila ng sari-saring paniniwala nating mga Pilipino, hindi maikukubli na ang ngiting umaapaw sa ating mga labi at ang pagkakapit-bisig para sa adhikain ng kapayapaang kalakip ang pag-unlad upang pagbukludin ang ating bansa. Ikaw hanggang saan mo kayang itaas ang iyong karangalan para sa bansang tinawag na Perlas ng Silangan? Bilang Benildyano anung meron sa sarili mo nagsasabi at nagpapatunay na isa kang Pilipino.
Mark Maruyama
BSBA-HRM, 11069532
“I like [to] eat Filipino food, im also a family oriented person. I think those are the things na mayroon tayo bilang [mga] Pilipino.”
Rhinnon M. Pamintuan
AB-CDA,11160624
“Siguro yung sense of Filipino Hospitality, ayan yung unique sa atin bilang isang bansa.”
Master Cedrix R. Agas
BS-HRIM, 11156058
“Dahil mahal ko ang bayan ko, likas [din] sa atin yung pagiging masipag na tinataglay ko rin.”
Elizardo B. Morillo Jr.
ABANI, 11266902
“Dahil sa aking [kayumangging] kulay, may nakapagsabi na rin sa akin na tayo daw ay ‘Piling-pili at pinong-pino’ masaya ako dahil Pilipino ako dahil likas sa atin ang pagtutulungan at pagiging magalang.”
Kristine Anne Jalmasco
BS-IS, 11170921
“Siguro dahil sa values ko at dahil sobrang close ako sa family ko, ‘yun siguro [ang] dahilan kung bakit proud ako bilang Pinoy.”
Stephen Cuz
BS- IT, 11251425
“My passion to excel, at kung may naumpisahan ako mayroon akong dedication na tapusin ‘yun.”
Stephanie Mae F. Atienza
BSBA-EM, 11272880
“‘Yung language na ginagamit ko at interes ko sa Filipino food at napaka-welcoming ko rin. Higit sa lahat napaka-talented natin.”
Carla Celiz
BS-ID, 11288973
“The values that we had ‘Family first’, [at] napaka-friendly and approachable ko rin.”
Stefan Raymundo
AB-MMA, 11155388
“What I can say is that ‘yung ‘po at opo’ bilang paggalang sa matatanda. Napaka-polite din natin at proud ako bilang Pinoy.”
Raniel Delos Reyes
SDEAS- BAPDST, 11085908
“Tumutulong ako sa mga trahedya na nangyayari sa ating bansa. I was a volunteer until now para makatulong sa nangangailangan.”
Mga kuha ni Gerard del Mundo