Cover Photo By Benildean Press Corps
Cover Photo By Benildean Press Corps.

Bukod Tanging Barbero: isang rebyu sa Barber’s Tale


Hindi lamang ito puro drama na magpapaluha sa iyong mata, sapagkat mag-iiwan din ito ng isang pagasa sa ating mga puso.


By Benildean Press Corps | Tuesday, 14 October 2014

 

Sa bawat sikretong nabubunyag, isang katotohanan ang nalalaman–mga kwentong hindi makakalimutan, mga pangyayaring mananatili sa kasaysayan.

Cover Photo Of Benildean Press Corps 

Isa sa mga kwentong mananatili sa puso ng marami ang Barber’s Tale ni Jun Robles Lana. Isa sa mga pelikulang nagkamit ng iba’t ibang parangal mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang kwentong ito ay tungkol kay Marilou, asawa ni Jose na tanging barbero sa kanilang baryo noong panahon ng Martial Law. Sa pagkamatay ni Jose, ipinagpatuloy ni Marilou ang pamamalakad ng barber shop na nagbigay daan upang makilala niya ang inaabusong asawa ng mayor na si Cecilia (sa pagganap ni Iza Calzado) dahilan upang maging ganap s’yang aktibista laban sa rehimeng Marcos. Hindi lamang ang pakikipagsapalaran ni Marilou sa pagpapalakad ng barbershop ang nagpaganda sa pelikulang ito, ngunit pati na rin ang mga kwento ng mga aktibistang ipinaglalaban ang ganap na kalayaan ng bansa, ang kwento ng isang asawang uhaw sa physical connection, ng pakikipagkaibigan, sawing pag-ibig, sakripisyo, at iba pa.

Ang Barber’s Tale ay isang obra maestra na dapat matunghayan ninuman. Umpisa pa lamang ng pelikula, hindi na ninyo maiiwasang igugol ang atensyon sa pagkatagpi-tagpi ng kakaibang kwento ni Marilou.

Kapansin-pansin rin ang pagganap ni Eugene Domingo bilang Marilou na nagkamit pa nga ng Best Actress sa Tokyo International Film Festival at naging nominado rin ng Best Actress award sa Asian Film Awards.

Hindi lamang ito isang pelikulang nagdagdag ng isang karangalan sa kasaysayan ng industriya ng film, bagkus isa itong pelikulang huhubog sa ating kultura at magbubukas ng ating isipan. Hindi lamang ito puro drama na magpapaluha sa iyong mata, sapagkat mag-iiwan din ito ng isang pagasa sa ating mga puso.

Photo courtesy of APT Entertainment

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021