Gusto mo bang malaman kung ano ang naghihintay sa iyong kapalaran every week? Narito na ang Hulascope upang bigyang gabay ang tinatahak mong landas, good o bad luck man yan.
Aquarius (January 20 – February 18)
Kung talagang mahal ka niya, mag-e-effort siya kahit ‘di ka mag-demand. Huwag maging baliw sa maling tao; mag-focus muna sa pag-aaral mo at sa mga taong nagmamahal sa ‘yo.
Pisces (February 19 – March 20)
Hindi makakabuting magpadala sa bad vibes na dulot ng traffic at siksikang LRT; madaling ma-haggard kapag bugnutin. Tandaan, patience is a virtue.
Aries (March 21 – April 19)
Torpe ka, manhid siya. Mahal mo, may mahal nang iba. Mahal ang tuition; aral muna.
Taurus (April 20 – May 20)
Ang tsismis, parang History lang yan—pinaniniwalaan kahit hindi naman nasaksihan. “Forget about the haters ‘coz somebody loves ya,” ‘ika nga ni Miley Cyrus. Kaya smile lang sabay whip ng hair back and forth. Bang bang!
Gemini (May 21 – June 20)
Paano ka makaka-move-on kung lagi mong: 1) ini-stalk ang profile niya; 2) chine-check ang Twitter niya; at 3) pinapatamaan siya sa tweets at status mo? Kung si Elsa nga nakapag-let it go na, ikaw pa kaya?
Cancer (June 21 – July 22)
Iwasang ma-late sa klase; mahaba ang pila sa elevator ‘pag peak hours. Hindi ka lang na-Haggardo Versosa sa pila, apple of my eye ka pa ng prof mong nagle-lecture na.
Leo (July 23 – August 22)
Hindi mo ikagu-gwapo o ikaga-ganda ang panloloko. May limitasyon rin ang damdamin ng tao at lalong daig ang may itsura ng mga taong totoo at seryoso. Keep the good deeds rolling para swertehin ka ngayong araw.
Virgo (August 23 – September 22)
Hindi porket ni-like ni crush ang photo o status mo ‘eh may feelings na rin siya para sa‘yo. Magising sa katotohanan. Mahirap masaktan pero mas mahirap magpaalam ‘pag galit ang nanay mo.
Libra (September 23 – October 22)
Gipit ka man sa allowance at dami ng gastusin ngayon, mas maganda kung mag-bibigay ka pa rin. Magpakain ng isang random street child at mabubusog ka na rin sa ngiting dala nila sa’yo.
Scorpio (October 23 – November 21)
Lakasan ang loob sa paggawa ng desisyon. Huwag masyadong mag-“go with the flow” at matutong tumayo sa sariling mga paa. Yung sagot mong C, pinalitan mo pa ng B; ayan, namali ka pa tuloy. #KungMaibabalikKoLang
Sagittarius (November 22 – December 21)
Nahiya naman ang Algebra sa dami ng “x” mo. Hinay-hinay lang muna sa pagpasok sa relasyon kung hindi pa kayang mag-seryoso. Mahirap dumating sa point na hindi mo na alam yung feeling nang magmahal at ma-in-love ng totoo.
Capricorn (December 22 – January 19)
Mahaharap ka sa sitwasyong ang kailangan mo lang gawin ay manahimik, magtiwala, at ngitian na lang ang mga problema; lalo na kapag kendi lang ang isinukli sa binayad mong pera. #AbaMatinde
Isinulat ni Daniella Faye Cruz at Karen Garcia
Mga Dibuho ni Aeriel Quijano