Cover Photo By Kevin Tamasiro
Cover Photo By Kevin Tamasiro.

Beyond Bicol


Tuklasin ang magagandang tanawin, makasaysayang lugar, kultura, at pagkain na purely Bicol!


By Benildean Press Corps | Friday, 7 November 2014

 

Sino bang mag-aakala na sa loob lamang ng tatlong (3) araw ay maaari mo nang malibot ang Albay at Naga ng Bicol. Sa Bicol makikita ang iba’t ibang magagandang tanawin, makasaysayang lugar, kultura, at pagkain na kanilang ipinagmamalaki. Malayo man ang lalakbayin upang mapuntahan ang iba’t-ibang lugar at maranasan ang mga bagay na purely Bicol, sulit pa rin ito.

4971 Beyond Bicol4 4971 Beyond Bicol6 4971 Beyond Bicol54971 Beyond Bicol2 

 

O, Ina

Isa sa pinakatanyag na simbahan ng Naga ay ang Penafrancia Basilica Minore. Matatagpuan sa loob ng simbahan ang Imahe ni Ina (Our Lady of Penafrancia) na dinadayo pa ng mga diboto kapag pista ng Naga tuwing Setyembre. Bukod doon mapapa-wow ka sa kakaibang istraktura at disenyo ng mga stained glass na nakapalibot sa simbahan.

Trip to 14 Stations

Ang pag-akyat sa Kawa-KawaHill ay susubok sa inyong physical fitness dahil ang pagdalaw sa 14 stations of the cross nito ay nangangahulugang pag-akyat ng 1,037 metro. Paglalakad ang natatanging paraan upang matanaw ang mga tampok na life-size statues sa bawat estasyon. Sulit na sulit nga naman talagang pumunta dito dahil libre ito para sa lahat.

Water trip!

Isa ang Camsur Watersports Complex o mas kilalang CWC sa mga dinarayo ng mga turista sa Bicol. ‘Wag kakalimutang subukan ang kanilang Wakeboarding para sa kakaibang water adventure experience!

Ruins, the legacy

Halos dalawang dantaon nang nakatayo ang Cagsawa Ruins. Ang tanging makikita na lamang dito ay ang bakas ng 18th-century Franciscan church. Ang nasabing simbahan ay natabunan ng abo noong minsang pumutok ang Bulkang Mayon noon. Isa na ngayong tanyag na parke, ang Cagsawa ruins ay dinadayo ng mga turista para sa view ng Mayon.

Anghang to the max

S’yempre, isa sa pinakamasayang gawin sa pagpunta sa Bicol ay ang tikman ang mga Bicol cuisines sa Small Talk Cafe at 1st Colonial Grill. Iba-iba man ang winning dishes nila, iba pa rin talaga ang anghang ang hatid ng mga ito. Mula sa Fiery Mayon Stuffed Pizza, Bicol Express Pasta, at Pasta Mayon ng Small Talk Cafe, hanggang sa Sili ice cream ng 1st Colonial Grill na may level one to ten pa ang anghang.

Iba talaga ang madarama mo sa makasaysayang lugar na ito. Bawing-bawi ang pagod sa b’yahe, dahil maituturing na one of a kind ang Bicol! Ang mga tanawin, pagkain, at mga imprastraktura na matatagpuan dito ay world-class at walang kapares.


Isinulat nina Christene San Pedro at Yves Yu
Photo by Pauline Mata and Kevin Tamasiro

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021