Isa sa pinakapaboritong panghimagas nating mga Pilipino ang Brazo de Mercedez. Feeling heaven ka sa light at airy texture ng meringue na sinabayan pa ng tamis ng custard filling. Pero ngayon, hindi tayo gagawa ng classic Brazo de Mercedes, sapagkat gagawa tayo ng kakaibang bersyon nito gamit ang calamansi.
Double Broiler
Whisk
Mangkok
Hand mixer
16-inch Flat Baking Pan
Pastry Comb
Mga Sangkap:
Custard Filling
10 pirasong pula ng itlog (egg yolks)
1 lata ng kondensada
zest ng 5 pirasong Kalamansi
Meringue
10 pirasong puti ng itlog (egg whites)
200 grams ng puting asukal
1 teaspoon cream of tartar
Pamamaraan:
1. Sa isang doubler broiler, pagsama-samahin lahat ng sangkap para sa custard filling–egg yolks, kondensada, at kalamansi zest. Haluuin ang mga ito gamit ang whisk sa loob ng 45 na minuto o higit pa hanggang maging thick o mala-jam ang consistency.
2. Gawin ang meringue sa isang mangkok. Gamit ang hand mixer, i-halo ang egg whites at cream of tartar hanggang maging foamy. Dahan-dahang i-dagdag ang asukal at ipagpatuloy ang paghalo hanggang sa umabot sa stiff peak stage ang egg whites.
3. Ilatag ang meringue sa isang flat baking pan na may parchment paper (para hindi dumikit sa pan ang meringue). Pasadahan ng pastry comb ang meringue upang magkaroon ng mga linya ito.I-bake ng 30 minuto hanggang maging golden brown ang kulay.
4. Pagkatapos lutuin, dahan-dahang baliktarin ang meringue at tanggalin ang parchment paper. Ipahid ang custard filling sa isang gilid at i-roll ng maayos na parang pinwheel.
5. Palamigin muna ito upang mag-set. Mas masarap kainin ng malamig ang ating Citrus Brazo de Mercedes.
Sino bang mag-aakala na maaaring makagawa ng isang heavenly cake with a twist gamit lamang ang limang sangkap–itlog, asukal, kondensada, kalamansi, at cream of tartar.
Kuha ni Christene San Pedro