Isa ang hipon sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Marami kasing uri ng luto at putahe ang maaaring magawa rito mula ginataan, sinigang, halabos hanggang ukoy. Ngayon, magluluto tayo ng chili herb shrimp na hango sa nakasanayan nating garlic chili shrimp. Iibahin natin ang version na ito sa pamamagitan ng paglagay ng basil leaves para sa mas kakaibang flavor at aroma. Gagamit lang tayo ng limang (5) sangkap–mantika, hipon, ketchup, sili, at basil leaves.
Cooking Time: Sampung minuto (10 mins.)
Mga Kagamitan:
Kasirola
Kutsilyo
Chopping Board
Wooden spoon
Mangkok
Mga Sangkap:
1 kutsarang mantika
10 pirasong hipon
1 tasa ng ketchup
3 pirasong sili
5 pirasong Basil leaves
Pamamaraan:
- Tanggalan ng ulo at balat ang hipon; itira ang pinakadulong shell at buntot nito.
- I-devein ang mga hipon isa-isa.
- Sa isang kasirola, initin ang mantika at saka ilagay ang mga hipon.
- Haluin ang mga ito at dagdagan ng ketchup.
- Kapag luto na ang hipon, ilagay ang sili at basil. Pwedeng damihan ang mga ito depende sa lakas ng anghang o dami ng herb na nais.
- Ilagay sa mangkok pagkatapos lutuin at i-serve habang mainit pa.
Ganun lang kadali ang paggawa ng chili herb shrimp. P’wedeng i-serve kasama ng kanin o pasta; p’wede ring papakin kung nais kasama ng buong pamilya!
Kuha ni Christine San Pedro