Cover Photo Ni Aeriel Quijano
Cover Photo Ni Aeriel Quijano.

Hulascope: "Kapa-larawan"


Tila nga kasama na sa main course ng ating daily routine ang instagram posts at walang kamatayang selfies. Alamin ang iyong kapalaran ngayong linggo!


By Benildean Press Corps | Monday, 2 February 2015

 

Tila nga kasama na sa main course ng ating daily routine ang instagram posts at walang kamatayang selfies. Mapa-profound shot man ito ng sapatos mo habang nakaupo ka, o half face selfie kasama ang background ng mall na pinuntahan mo, halina’t tignan natin kung anong kapalaran ang naghihintay sa’yo mula sa mga larawang ito ngayong linggo.

Aquarius (January 20 – February 18)

Aquarius 300x300

Matagal-tagal na rin mula noong huli kang mag-post na may hashtag na #VSCO, bakit ‘di mo kaya ulit i-try ang 5-days black and white challenge? At least, ‘di na mainstream!

Pisces (February 19 – March 20)

Pisces 300x300

Ayun naman pala, ni-like ni crush ang recent post mo kaya ayan nawili ka nang mag-post ng mga selfies mo. Push lang! Malay mo naaliw din siya, diba? #EdiWow

Aries (March 21 – April 19)

Aries 300x300

Yes naman, ang ganda ng instagram feed. Linis na linis, wala na rin pati selfies kasama ni past. Parte ba yan ng pag-mo-move on mo?

Taurus (April 20 – May 20) 

Taurus 300x300

Iwasan ang sobrang pag-pi-picture sa daan at baka makuhanan mo pati ang live telecast ng pagka-snatch sa phone mo.

Gemini (May 21 – June 20)

Gemini 300x300

Challenge sa’yo ngayong linggo na mag-post ng genuine smile ng isang tao. Hindi lang likes ang matatamo mo kundi pati ang kasiyahang dulot ng pagiging dahilan sa likod ng mga ngiti niya. #NaksSparks!

Cancer (June 21 – July 22)

Cancer 300x300

Mag-selfie at i-post ng may caption na, “I am beautiful/handsome because I’m wonderfully made”. Oras na para i-boost ang self-confidence! Hindi mo kailangan ng likes para ma-satisfy dito dahil madami namang nagmamahal sa iyo.

Leo (July 23 – August 22)

Leo 300x300

Gamitin ang power of selfie para magkaroon ng picture with crush! It’s your time to shine, umanggulo lang nang hindi masyadong halata.

Virgo (August 23 – September 22) 

Virgo 300x300

Kung puro indoor shots ang laman ng feed mo ngayon, bakit hindi mo i-try lumabas at kumuha ng picturesque shots ng kalikasan?

Libra (September 23 – October 22)

Libra 300x300

Wala naman sa likes ‘yan, It’s the thought that counts.

Scorpio (October 23 – November 21)

Scorpio 300x300

Be observant sa paligid mo at baka ikaw na ang mabiktima ng #GalawangSelfie101 ni Leo. Smile ka na lang din pag napapansin mong dumada-moves na siya.

Sagittarius (November 22 – December 21)

Sagittarius 300x300

Capture every moment as if it’s your last kaya take the initiative sa pag-alok na, “Guys, picture tayo!”

Capricorn (December 22 – January 19)

Capricorn 300x300

Cheesy man pero photo challenge mo sa linggong ito na mag-post ng family picture niyo. Mas lalong iigting ang love niyo para sa isa’t isa kung proud kang kapamilya, kapuso, o kapatid. #famILY

Mga Dibuho ni Aeriel Quijano

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021