Dibuho Ni Francis Tadeo
Dibuho Ni Francis Tadeo.

Hulascope: Kapala-run From Reality


Alamin na ang iyong kapalaran para sa panandaliang pagtakas sa realidad sa linggong ito.


By Benildean Press Corps | Wednesday, 14 October 2015

Ang lalagyang puno na ay hindi na malalagyan pa ng panibagong laman kung hindi mo ibubuhos ang kasalukuyang laman nito. Gaya rin ng emosyon ng tao, hindi mo mararamdaman ang kaginhawaan kung patuloy mong iipunin sa loob mo ang stress, kalungkutan at galit sa puso mo. Alamin na ang iyong kapalaran para sa panandaliang pagtakas sa realidad sa linggong ito.

 

Aquarius (January 20 – February 18)

Masyado kang na-konsumo ng pagod at problema sa linggong ito at umabot na sa puntong gusto mo nang sukuan ang lahat nang naabot mo. Oras na para sa isang mahabang road trip kasama ng iyong family, bestfriend o significant other nang makapag-unwind ang iyong isipan.

 

Pisces (February 19 – March 20)

Ang tanging gusto mo lang sa mga oras na ito ay magkaroon ng isang araw—isang araw kasama ang isa sa mga importanteng tao sa buhay mo. Magpunta sa isang tahimik na lugar, mag-piknik o mag-stargazing nang nag-uusap lamang tungkol sa iba’t ibang bagay at inyong buhay sa magdamag.

 

Aries (March 21 – April 19)

Naghihintay ka na lamang na may mag-aya sa’yo para sa biglaang galaan. Mapa-biglaang night-out man ‘yan o kung saan man, game na game ka pa rin kahit saan para lang matangay ka mula sa pinagkaka-baunan ng emosyon mo ngayon.

 

Taurus (April 20 – May 20)

Para sa’yo, gusto mo lang mag-night out sa isang cozy hotel, resort o sa mismong kwarto mo at i-tulog na lang lahat ng problema mo. Damhin ang lambot ng kama sa iyong balat, maglakbay sa dreamland at panandaliang takasan ang gabundok na problema pagharap sa kinabukasan.

 

Gemini (May 21 – June 20)

Mag-papalipas ka ng isang gabi sa isang social drinking bar para sa masaya at exciting na happy thursday ngayong linggo. Panandaliang kalimutan muna lahat ng mga gawaing nagpapa-stress sa’yo at “YOLO”, ‘ika nga nila.

 

Cancer (June 21 – July 22)

Isa ka sa mga taong comfort zone ang pamilya na sa tingin mo ay makakatakas ka lang sa kinatatayuan mo ngayon kung makakapag-bond ka sa kanila. Masarap makipag kumustahan at makipag kwentuhan sa mga taong nauunawaan ka ng lubos at mamahalin ka anuman ang pinagdadaanan mo ngayon.

 

Leo (July 23 – August 22)

Gora ka lang sa mga drawing na plano ng iyong mga barkada at naghihintay ka lang na matuloy ang mga pag-se-set na ito. Nalilimutan mo na lamang ang mga sama ng loob at kabigatan sa iyo kapag kasama mo ang iyong mga kaibigang masayahin at malakas ang trip.

 

Virgo (August 23 – September 22)

Isa ka sa mga nag-organize ng outing o galaan na kaibigan ni Leo. Mahilig ka ring mag-share ng travel ideas sa facebook at i-ta-tag ang iyong barkada. Siguraduhin matuloy ang plano dahil maraming naka-asa sa katuparan ng mga ito. Stress ka man din sa work at studies, lahat din nang ito ay mawawala pag kasama mo na sila.

 

Libra (September 23 – October 22)

Pagtakbo mo na sa katotohanan ang pumunta sa mga intimate at pribadong lugar mag-isa o kasama ang iyong bae-fie. Hangga’t maaari ay nais mong iwasan ang dami ng tao para makapag-relax at mapahinga ang utak mo sa mga sunod sunod na dilemma sa iyong buhay kaya pumunta sa mga art galleries o museum para makapasok sa ibang dimensyon ng imahinasyon ang iyong isip.

 

Scorpio (October 23 – November 21)

Rebellious ang tipo ng pagtakbo mo sa realidad, gusto mong gawin ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa noon o ‘di kaya’y kakaiba sa paningin ng iba. Ayaw mong sumunod sa agos ng madla dahil ito rin mismo ang mga bagay na nakakapag-stress sa’yo kaya’t go out of the box at iwan munang panandalian ang iyong mga alalahanin.

 

Sagittarius (November 22 – December 21)

Kapag dumadaan ka sa mga pagsubok, first option mo agad ay ang pagpunta sa isang adventure. Kadalasan ay iniiba mo ang mga naka-plano na sa kagustuhan mong mag-explore at mag-try ng mga bagong bagay. Magpunta sa isang malayong lugar, mag-mountain hiking at mag-explore kasama ang mga taong mahalaga sa’yo.

 

Capricorn (December 22 – January 19)

Kadalasan ay ikaw ang tipo ng taong matapang na hinaharap ang katotohanan ng buhay. Ayaw mong takbuhan ang mga responsibilidad, gawain at problema dahil naniniwala ka na may tamang oras at proseso para maka-survive mula sa mga ito.

Maging sino ka man, anuman ang iyong pinagdadaanan ngayon at saan ka man dalhin ng realidad ay mainam din na magpahinga paminsan-minsan. Maikli lang ang buhay at nararapat na hindi natin kalimutan kung paano mabuhay—ang maramdaman mong lumulukso ang tibok ng iyong puso sa saya at hindi sa pagtulo na lang ng luha mo nang hindi mo na namamalayan.

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021