Cover Photo By Benildean Press Corps
Cover Photo By Benildean Press Corps.

Anino


Hanggang saan mo matiis makitang nangungulila at naliligaw ang pag-iisip ang isa sa pinakamahalagang tao sa iyong buhay?


By Benildean Press Corps | Wednesday, 5 February 2014

Hanggang saan mo matiis makitang nangungulila at naliligaw ang pag-iisip ang isa sa pinakamahalagang tao sa iyong buhay?—Ipaglalaban mo ba ang pagmamahal na sinubok na ng panahon o hahayaan mo na lang na ito’y mawala sa ligaw na mundo ng kahapon?


Family02

Tampok sa pelikulang obra ni Alvin Yapan, ang “Mga anino ng kahapon,” kung saan makikita ang kakaibang anggulo ng pagmamahalan ng isang pamilyang may kaanak na may schizophrenia, isang mental disorder kung saan ang taong may ganitong karamdaman ay nakararanas ng delusion, paranoia at mga guni-guning nakagugulo sa pag-iisip.


Agot01

Ang pelikula ay ginanapan nina Ed (TJ Trinidad) at Irene (Agot Isidro), mag-asawang nurse na may isang batang anak na lalaki, si Brian. Pagkatapos umalis ni Ed para makapagtrabaho sa Dubai, si Irene ay nagsisimulang magkaroon ng kakaibang pag-uugali, tulad ng paranoia tungkol sa seguridad ng kanilang tahanan. Hindi naglaon, ay may mga dumadating na mga bisita sa bahay na tanging siya lamang ang nakakakita. Isinasaad sa kwento na ang mga taong ito ay guni-guni lamang niya mula sa masakaplap niyang karanasan noong panahon ng Marshall Law.

Exorcism01

Hango sa makatotohanang istorya ng buhay, nakasentro ang pelikula sa isang pamilya na hindi nag-iwanan sa hirap man o saya. Ipinakita dito na ang pagmamahalan at pag suporta ay dapat mag umpisa sa ating mga tahanan.

Ayon sa mga producer na sina Bb. Gay Domingo at G. Alemberg Ang, ang layunin ng pelikulang ito ay taasan ang kamalayan tungkol sa schizophrenia at iba pang mga sakit sa kaisipan. Kasama na rin dito ang pagbibigay liwanag sa mga bagay kung paano pangangalagaan ang mga taong may ganitong karamdaman. “Personally, when people tell us that the film is realistic and that it touches their hearts—those for me are our biggest successes,” dagdag ni Bb. Domingo.


Agot07

Ang pelikulang “Ang mga anino ng kahapon” ay naparangalan sa Metro Manila Film Fesfival New Wave 2013 ng Special Jury Prize and Best Actress na si Ms. Agot Isidro. Ito ay pinanuod ng humigit kumulang 2, 000 audience sa Megamall at Glorietta 4 noong Disyembre 2013 at nakatakdang ipalabas muli sa mga sinehan ngayong 2014.

 

 

 

Last updated: Tuesday, 8 June 2021
Tags: anino, Movie