Cover Photo Disenyo Ni Ihra Galang
Cover Photo Disenyo Ni Ihra Galang.

Proudly Kuripot Moves


Struggle talagang mag-ipon sa panahon ngayon.


By Benildean Press Corps | Tuesday, 22 July 2014

Struggle talagang mag-ipon sa panahon ngayon. Taft life + ikaw na naghahanda para sa future, good luck talaga! Kaya naman narito kami to the rescue!

 

Magbaon ng snacks.

Proudly Kuripot Icons 6

Para sa madalas magutom, mas mainam kung ikaw ay magbaon na lamang. Maaaring prutas kung ikaw ay may healthy living o sandwich para mas swak sa gutom mo. Talaga namang tipid sa pera!

Humanap ng alternatibo.

Proudly Kuripot Icons 5

Piliin ang produktong mas mura kung mapapawi rin naman nito ang iyong gutom o uhaw. Kaysa bumili ng kape na may sirena, maaari mo rin namang subukan ang mag-milk tea o mag-vendo na lamang.

Maki-share sa kaibigan.

Proudly Kuripot Icons 4

Umorder ng mga pagkaing good for sharing. Kadalasan ay mas malaki ang matitipid mo dito kaysa ala carte. Kung talagang close naman kayo ni friend ay mag-hingian na lang. Paalala: Case-by-case basis ito. Remember, “Friends that save money together, lasts forever.”

Tara at mag-unli.

Proudly Kuripot Icons 3

Uso ang mga eat all you can ngayon kaya’t kung malakas kang kumain ay swak na swak ito sa budget mo. Babala lamang sa ma-cholesterol na pagkain at baka sa halip na mabusog ay tumaas pa ang iyong blood pressure.

Magtabi ng pera.

Proudly Kuripot Icons 2

 

Ang “#2 Golden Rule”. Kung ikaw ay may allowance na pinagkakasya lamang sa isang araw, linggo at buwan. Maging sigurista at tiyaking magtabi kaagad. Mas maganda kung huwag mo na itong dalhin sa school. Maubos man ang laman ng iyong wallet, paniguradong may madudukot ka sa oras ng kagipitan.

Just say no.

Proudly Kuripot Icons 1

Ang “#1 Golden Rule”. Mag-no kaagad kung alam mo namang; 1) busog ka pa; 2) short na ang allowance mo; at 3) mahal sa kakainan nyo. Isipin mo na lang na may reward ka para sa sarili mo pagkatapos mong mag-say no at mas piliin ang magtipid.

Ikaw, handa ka na bang maging isang Proudly Kuripot?

Disenyo ni Ihra Galang

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021
Tags: kuripot