It’s that time of the year again para sa pagdiriwang ng Undas ng mga Pilipino. Magsusulputan na naman ang mga japeyks na supot ng gagamba kung saan-saan. Magiging laman na naman ng telebisyon ang dangwa at mga sementeryong dinadagsa ng mga tao. Kaya’t bilang sandata, heto na ang mga tips bago makipaggitgitan ngayong araw ng Undas.
Before I let you go

‘Wag magpaka-girl on fire ngayong Undas! Ilayo ang kandila sa kurtina at iba pang mga bagay na madaling masunog. Siguraduhin ding naka-lock nang mabuti ang mga pinto sa inyong bahay bago pumunta sa sementeryo. ‘Wag ring kalilimutang i-unplug ang anumang electrical devices at appliances na maaring maging sanhi ng sunog. Tandaan, “kandila lang ang sinisindihan, hindi ang tahanan.”
All set!

Bago umalis ng bahay, alamin ang mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo. Gaya ng deadly weapons, alcoholic beverages at maiingay na pang-soundtrip. Tandaan, “sementeryo ang pupuntahan at hindi party house”. Huwag ding kalimutang magdala ng payong, pamaypay, easy-to-eat snacks, tubig, first aid kit, toiletries at iba pa. Mala-camping man ang eksena, at least safe ka, umulan man o umaraw!
#BLOWBAG

Isaisip ang acronym na BLOWBAG lalo na kung magdadala ng sasakyan. Siguraduhing i-check ang Battery, Lights, Oil, Water, Brakes, Air at Gas.
Eco-w lang sapat na

Last but not the least, igalang natin ang mga sementeryo. Keep in mind the term CLAY-GO o Clean As You Go. Laging tatandaan ang kasabihang “tapat mo, linis mo”.
Isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang ang All Saints’ Day at All Souls’ Day para sa ating mga Pinoy. Ngunit laging pakatatandaan na ang paggunita sa ating mga mahal sa buhay na yumao ay hindi naman limitado lang sa mga araw ‘to. Gayunpaman, marapat na alalahanin ang mga simple at sentido kumon reminders. Ang araw na ito ay maaring magsilbing mini-reunion sa inyong pamilya–kaya’ wag hayaang ma-stress sa abalang dala ng ‘di pagsunod sa mga safety reminders. Happy halloween!
Isinulat nina Daniella Cruz at Charlotte Martin