Cover Photo By Benildean Press Corps
Cover Photo By Benildean Press Corps.

Hulascope: ‘Di tama ang tamad


Baka naman sa pagiging masipag ay tinatamad ka pa rin? Alamin ang iyong kapalaran sa unang linggo ng Oktubre! #Hulascope


By Benildean Press Corps | Monday, 5 October 2015

Baka naman sa pagiging masipag ay tinatamad ka pa rin? Lingid sa kaalaman ng nakararami na may mga bagay tayo na dapat bigyang importansya lalo na pagdating sa pag-aaral. Numero unong kinakaharap ng mga estudyanteng gumagapang matapos lang ang school requirements ay ang katamaran. Mapapako na nga lang ba ang salitang “katamaran” sa iyo ngayong linggo? Alamin ang iyong kapalaran sa unang linggo ng Oktubre!

 

Aquarius (January 20 – February 18)

Tag-ulan na naman at tag-ulan na rin ng mga gawain. Tamang diskarte lang ‘yan sa pagbalanse ng oras. Mas maganda na tapusin mo na agad ang mga homework mo para naman relax ka nalang sa bahay at may extra time ka pa sa ibang bagay.

Pisces (February 19 – March 20)

Mag-hagdan ka rin ‘pag may time. Iwasan ang palaging paggamit ng elevator kung hindi naman importante. Mas maganda yung pinagpapawisan din tayo paminsan-minsan (malay mo makatulong pa ito sa iyong pagpayat).

Aries (March 21 – April 19)

Magplano nang maaga sa mga hakbang na gagawin sa paaralan. Iwasan ang sa ugaling “bahala na” dahil minsan dinadala tayo nito sa kapahamakan. Iba pa rin ang mga mag-aaral na may baon o dalang bala at handang makipag sabayan sa silid aralan.

Taurus (April 20 – May 20)

Wag sayangin ang oras sa mga bagay na hindi nakakatulong sa pag-aaral. Maraming lugar sa CSB na gustong umubos ng oras mo bukod sa cafeteria. Nariyan ang LRC. Magbasa at subukang palawakin ang kaalaman sa pamamagitan ng mga libro.

Gemini (May 21 – June 20)

Hinahanap mo si Mr. Right? Andun, nasa friendzone mo. Hugot ‘di ba? Para lang yan paghahanap sa sagot na “Paano ba makapasok sa Deans List?”. Maging matalino at ‘wag maging bulag sa mga solusyon na nasa paligid na maaring makatulong sa pag-aaral. Alam mo ang dapat mong gawin. Natatakot ka lang pero maniwala ka sa sarili mo.

Cancer (June 21 – July 22)

Kasing bilis ng kidlat ang panahon sa pag-aaral kung mas bibigyan mo ng pansin ang kasiyahang dulot nito. ‘Wag laging nakatuon sa oras at panahon dahil mahirap mabuhay sa totoong mundo kung nakatatak sa iyong buhay ang salitang “Makaraos lang”. Tandaan, maraming gusto mag-aral pero pinagpala ka.

Leo (July 23 – August 22)

Tigil-tigilan niyo muna ang paglalaro ng kung anu-anong online games na ‘yan. Gusto mo man na magkaroon ng mataas na ranggo, makatuntong sa next level at hindi ma-game over sa nilalaro mo, pero mas mala-lagot ka kung hindi mo gagawin ang mga school requirements, sige ka baka ‘di ka lang ma-double kill niyan, head shot pa sa parents mo at tiyak ma-re- repeat ka pa.

Virgo (August 23 – September 22)

Iwasan minsan ang kapipindot sa keyboard at mouse dahil sa walang sawang pakikipag chat sa fb friends mong kanina ay mga kasama mo naman. Iwasan ang masyadong pagiging clingy. Ugailling mag take down notes para di maka-istorbo sa mga kaklase mo dahil marahil sila ay busy din. Subukang mag-log-out minu-minuto upang ‘di makasagabal sa gawain.

Libra (September 23 – October 22)

Oras na para iwasan ang pagiging online diary ng twitter account mo. Hassle ma-tweet limit at lalong mas masakit kapag ang project deadline mo ay di mo na-meet. Sa halip na mag tweet nang mag tweet at ubusin ang 140 characters, magbuklat na lang ng babasahin at asikasuhin ang dapat asikasuhin.

Scorpio (October 23 – November 21)

Kung anu-ano na naman ang mga website tabs na nakabukas, bakit ‘di mo bisitahin ang iyong moodle at mag-repaso ng iyong mga aralin? Maaari din namang isara muna ang mga ito at buksan na lamang ang iyong mga libro. Tandaan! Midterms week na.

Sagittarius (November 22 – December 21)

Hindi pa huli ang lahat, ma-eenroll mo rin ang CSBGRAD, ‘Onting tiyaga lang at darating ka rin dyan. Pagpupursigi, determinasyon at tiwala sa Diyos ang formula na kailangan. Gawing puhunan din ang pagbibigay importansya sa pag-aaral.

Capricorn (December 22 – January 19)

Mukhang su-suwertehin ka ngayon! Ang pangarap mong walang 2.5 pababa na grado sa SIS ay magkakatotoo kung magiging seryoso, matalino at masipag ka sa pag-aaral. May bonus ka pang inspiration sa uusbong mong love life! Kaya’t tandaang hindi bagay sa iyo ang titulong “Juan Tamad.

 

 

 

Last updated: Saturday, 17 July 2021