Hindi pa man dumarating ang finals week ay ramdam na agad ng nakararami ang nagbabadyang intense moments na hatid nito para sa mga susunod na araw. Talagang mapapa-tanong ka na lang ng “kailangan ba talagang sagutin yan?” sa mga subjects mong sumulit sa APEC-ation mo.
Aquarius (January 20 – February 18)
Imbis na magreklamo sa perwisyong idinulot ng APEC ay minabuti mong tignan na lamang ang less stressful na anggulo nito gaya ng pakiki-trending sa #APECHotties. Tapos mapapa-kanta ka na lang ng “akin Canada, akin Canadaaa… iingatan ko ang puso mo.”

Pisces (February 19 – March 20)
Dumaan ang mga araw nang naka-chill mode ka lang at kill time sa social media. Nakapag-share ng iba’t ibang video ng mga cute na hayop sa internet nang bigla mong maalala si crush at sabay kanta ng, “kailan? (kailan?) kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Tiger, leon, pating, kambing, ‘di mo pa rin pansin…”

Aries (March 21 – April 19)
Out of town naman ang na-trip-an mo sa APEC-ation, porma-ready ka na para sa iyong #ootd sabay pinagbitbit ka lang ng ice cooler. Minsan talagang nag-ji-jive na lang ang feels niyo ng Black Eyed Peas dahil sa “tagabitbit… tagabitbit… tagabitbit boom boom pow” ka lang.

Taurus (April 20 – May 20)
Isa sa nasa bucketlist mo bago matapos ang taon ay ang makapag-travel sa Pilipinas. Kaya naman dinamayan ka ni Jessie J para sa moment mong “when tomorrow comes, I’ll be on Mayon…”

Gemini (May 21 – June 20)
Sa bawat pagbagsak sa buhay ay may tamang panahon para tumayong muli. Isipin mo nalang ‘yan habang na-LSS ka na sa “Sorry” dahil “Justin Bieber reason just a little bit’s enough, just a second we’re not broken just bent and we can learn to love again!”

Cancer (June 21 – July 22)
Yes! Sa wakas, naka-usap mo na rin si crush. ‘Yung kasiyahan mo na tila mapapa-talon-talon ka na lang sa saya na parang tipaklong kaya… “Tipaklong if you feel like a room without a roof! (Because I’m happy!) Tipaklong if you feel like happiness is the truth!”

Leo (July 23 – August 22)
Gusto mong mag-out of the country pagkatapos na pagkatapos ng finals para makapag-unwind sa stress na dulot ng term na ito. Bakit hindi mo na lang kaya samahan si Taurus sa local travel niya? Dahil kung may Oppa Gangnam Style ang Korea, mayroon namang “Op op op op op Pampanga style” ang Pilipinas.

Virgo (August 23 – September 22)
Magfi-finals na naman at siguradong kasama sa starter pack mo ang iba’t ibang kulay ng highlighter para sa handouts mo. Palaging magdala ng extra highlighter dahil baka mangailangan si crush in times of emergency, at malay mo ay mapakanta na lang siya bigla ng “Stabilong green, ako’y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko’y tumitigil…”

Libra (September 23 – October 22)
‘Yung akala mo na siya na ang icing sa ibabaw ng cupcake mo pero hindi pa pala kaya ngayon ay mag-isa mo nang itinataguyod ang daily routine mo. Imbes na malungkot ka ay mag-focus ka na lang sa acads mo para sa iyong finals dahil “Two months love will kill you…”

Scorpio (October 23 – November 21)
Kagaya ni Virgo, dapat ay laging handa in times of emergency. Ugaliing laging may dalang extra pencil lalo na’t papalapit na ang finals. Malay mo ito na ang simula ng something ninyo ni crush kapag sinabi niya ng “without you girl, my lapis incomplete…”

Sagittarius (November 22 – December 21)
Papalapit na naman ang finals at siguradong patok na naman ang mga coffee shops at coffee products para sa all-night na pagsusunog ng kilay at pag-taguyod sa midterm grade na humihingi ng rescue. ‘Wag kang mag-alala dahil dadamayan ka naman ni Ke$ha sa kanta niyang, “Amoy Kape’n the morning feeling like P Diddy. Grab my glasses, I’m out the door, I’m gonna hit this city…”

Capricorn (December 22 – January 19)
Si Capricorn naman ang kaibigan mong sawang-sawa na sa ka-corny-han ng mundo kaya mapapa-kanta na lamang siya ng “Tama na knock-knock, inuman na… Hoy pare ko’y tumagay ka…” at syempre pagkatapos na ng term na ito. *wink*

Nakikiramay ang paracetamol sa sakit ng ulo na dinaranas mo ngayon dulot ng stress at maasahan mo rin na kaagapay mo ang 3-in-1 coffee para samahan ka sa iyong sleepless nights. Mahirap man, kakayanin mo rin yan! Dasal lang. Dasal lang talaga.
Dibuho ni Francis Tadeo
