Dibuho Ni Francis Tadeo
Dibuho Ni Francis Tadeo.

Wagi tips para sa Paskong panalo


Kung sa tingin mo olats ka sa budget ngayong pasko, no worries! Iilang tips lamang ito para sa isang pasko-nalo at pasko-mpletong Christmas celebration.


By Benildean Press Corps | Sunday, 22 November 2015

 

Ramdam mo na ba ang malamig na simoy ng hangin? Ber months na at hudyat na rin ito na paparating nanaman ang paskong pinakahihintay ng lahat. Masasarap na chibog, noche buena, media noche, exchange gifts, bagong damit at kung ano-ano pa. Sa madaling salita, malaki-laking “gastos” ang kahaharapin mo. Mararamdaman mo na rin ang unti-unting pagkabutas ng iyong bulsa! Kaya narito ang ilang waging tips na tiyak maari mong gawin o gamitin nang maging ang selebrasyon niyo ng Christmas ay merry na merry.

 

Dibuho Ni Francis Tadeo 

Listahan upang basehan

Tulad ng kinagisnan na ng iba, maari mong isulat at itala sa papel ang mga kailangan mong bilhin para sa paghahanda sa pasko. Halimbawa, ang mga ingredients na gagamitin para sa mga pagkain na ihahanda sa iyong hapagkainan. Gamitan ito ng matalinong kalkulasyon upang makatipid. Siguraduhing ma-ilista mo lahat para wala kang makalimutan, tandaan mo ring maging wais ka sa pagpili ng mga bagay na mas importante para paglaanan ng iyong pera kaysa sa mga walang kabuluhan.



The earlier the better

Habang maaga pa, mamili ka na ng mga ipang-reregalo mo sa mga kaibigan mo, early shopping, kumbaga. Mas makakaiwas ka sa dagsa ng mga kapwa mamimimili na ‘di mahulugang karayom at tiyak na mas makakamura ka pa.

 

Murang chibog na nakakabusog

Marami kang gustong ihanda, ano? Samu’t-saring variety ng putahe kung saan lahat ay gusto mong kainin sa hapagkainan, may salad, letson, shanghai, at kung anu-ano pa pero tandaan mo na i-ayon mo ito sa iyong budget. HIndi naman sa paghahadlang na tipirin mo ang sarili mo pagdating sa paghahanda ngayong Christmas, ngunit maging wise ka sa pagpili, ‘yung mura pero nakakabusog at higit sa lahat may sustansyang dulot sa kalusugan. Isa pa, kung hindi naman ganun karamihan ang inyong bisita, mas mabuti na i-consider ito.



Simple pero happy with the family

Kung plano niyong mag-outing o mamasyal sa ibang lugar, ibase mo ito sa iyong budget. Mayroong mga swak na swak sa budget na mga pampublikong pasyalan. Ang mahalaga ay kasama mo ang iyong loved ones ngayong sasapit na ang Pasko.



Unli bigayan at pagmamahalan

Ang pasko ay tungkol sa kabaitan ni Kristo. ‘Wag na ‘wag nating kakalimutan na siya ang sentro ng lahat ng ito. Maging mapag-bigay sa kapwa at tiyak na hindi ka titipirin ni Lord sa kanyang unlimited na mga biyaya.

Ilan lamang iyan sa napakaraming wagi tips para maging merry ang iyong Christmas. Sino bang hindi maghahangad ng isang maligayang pasko kung saan marami kang maiipon dahil nakatipid ka. Busog ka na sa iba’t-ibang chibog, punong-puno sa mga regalo, kasama mo pa ang pamilya at mga ka-tropa mo. At sabay mong salubungin ang bagong taon at panibagong term ng may ngiti sa iyong labi at magpatuloy sa pag-iipon.

Dibuho ni Francis Tadeo

 

 

 

Last updated: Sunday, 18 July 2021