Dibuho Ni Jazz Solomon
Dibuho Ni Jazz Solomon.

Hulascope: Mabulaklaking selebrasyon ngayong Mayo


Tuwing buwan ng Mayo ay ginugunita sa Pilipinas ang piyesta ng “Flores De Mayo,” o ang pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria. Ngayong buwan din isinasagawa ang taunang selebrasyon ng Santacruzan. Alamin ang gabay sa swerte ngayong Mayo sa tulong ng Hulascope.


By Benildean Press Corps | Monday, 7 May 2018

Taurus (April 20 – May 20)

Nao-overwhelm ka ba ngayon, Taurus? Masyado yatang marami ang iyong mga inaatupag at mabilis ang pagpasok ng mga ito. Easy ka lang at ‘wag piliting asikasuhin ang lahat ng ito nang sabay-sabay dahil baka makasama pa ito sa huli. Siguro ay magandang pagkakataon na ito upang baguhin ang iyong work ethics. Huwag kang magmadali dahil mas maganda nang dahan-dahan at sigurado sa lahat ng gagawin.

Swerteng OPM ngayong buwan: Nota ni Aleck Bovic

Gemini (May 21 – June 21)

Huwag ka masyadong makampante, Gemini. Maaaring nasasanay ka na sa iyong mga nakagawian, ngunit may nakaabang din na kapahamakan ang pagiging komportable mo. Umalis sa iyong comfort zone at huwag kalimutang mag-ingat. Maging alisto at may maswerteng bagay na darating sa iyo.

Swerteng OPM ngayong buwan: Booba (Do The Hustle) ni Rufa Mae Quinto

Cancer (June 20 – July 22)

Maaaring na misread mo lamang iyon, Cancer. Ang kadahilanan ng iyong pagdaramdam sa iyong mga kaibigan ay maaaring nag-ugat lamang sa isang simpleng ‘di pagkakaunawaan. Suriin nang mabuti ang sarili bago hanapan ng mali ang iba dahil maaaring ikaw lamang ang nag-iisip ng masama sa iyong sitwasyon. Pakinggan ang saloobin ng iyong kaibigan o kasintahan at baka may matutunan ka rito.

Swerteng OPM ngayong buwan: Kakaibabe ni Donnalyn Bartolome

Leo (July 23 – August 22)

Mapaglaro ang tadhana sa iyo, Leo. Ang mga magagandang bagay na dumating sa’yo kamakailan lamang ay mayroong kapalit. Maaaring balikan ka ng karma sa mga nagawa mong kasalanan dati. Iyong tandaan na ang buhay ay umiikot lamang at sana’y maging aral ito na magmula ngayon ay mag-ingat sa mga gagawin o sasabihin sa iba dahil may kapalit ang lahat ng mga kinikilos.

Swerteng OPM ngayong buwan: Sabay Sabay Tayo ni Marian Rivera

Virgo (August 23 – September 22)

Mag-ingat sa mga kasunduang pahihintulutan, Virgo. Bago ka pumayag sa mga kasunduan ay suriin mo muna nang mabuti kung maaasahan at katiwa-tiwala ito. Kilalanin nang mabuti kung sino ang kasosyo at ang intensyon nila. Masyado bang too good to be true? Maging maingat dahil baka ang pananamantala pa ng iba ang maging dahilan ng iyong pagkalugi.

Swerteng OPM ngayong buwan: Dyosa ni Yumi Lacsamana

Libra (September 23 – October 22)

Pag-isipang mabuti ang iyong mga nararamdaman, Libra. May mga pagkakataong pagbibigyan mo ng pansin at pagdadalawang isip ang iyong relasyon sa iyong mga malalapit sa buhay. Ano nga ba ang ugat nito? Siguraduhin ang nararamdaman at pag-isipan ito nang mabuti. ‘Wag lamang puso ang gamitin at emosyon ang sundin sa paggawa ng mga desisyon. Makinig din sa sinasabi ng iyong isipan.

Swerteng OPM ngayong buwan: Itaktak Mo ni Joey De Leon

Scorpio (October 23 – November 21)

Marami kang kahaharaping pagsubok ngayong buwan, Scorpio. Ang mga pagsubok na ito ay makakapagpahina ng iyong loob at kumpyansa sa sarili. Ngunit kung ‘di mo susukuan at pagpupursigihan ang mga hamon na ito ay mayroon kang makakamit na kaswertehan na nakalaan lamang para sa’yo. Laban lang!

Swerteng OPM ngayong buwan: Nandito Lang Ako ni Ada

Sagittarius (November 21 – December 21)

Maraming kang mga bagay na matututunan at mapagtatanto ngayong buwan, Sagittarius. Maaaring may mga bagay sa iyong nakaraan na hindi mo na naiayos o hindi mo naintindihan kung bakit nangyari. Malalaman mo na ang mga dahilan nito, ngunit maghunos dili ka at ‘wag magpadalos-dalos sapagkat ang mga kadahilanan ng mga ito ay wala na sa iyong kontrol. Magpatawad at magmove-on. Magpasalamat dahil nalaman mo na ang mga ito upang maging klaro na ang iyong isipan.

Swerteng OPM ngayong buwan: Para Sa’yo Ang Laban Na To ni Manny Pacquiao

Capricorn (December 22 – January 19)

Gaganahan kang magsipag ngayon, Capricorn. Mayroong maunlad na pagbabago sa iyong buhay ang nakaabang sa nalalapit na panahon ngunit kinakailangan na ikaw ay magpursigi nang tahimik. Maging lowkey. Dahil kinakailangan ito nang disiplina at pagsikapan nang mabuti, malilimitahan ang mga kilos mo sa mga susunod na panahon. Hindi mo magagawa ang lahat ng iyong ninanais, ngunit ang sakripisyo mong ito ay magbubunga ng karapatdapat mong tagumpay.

Swerteng OPM ngayong buwan: Otso Otso ni Bayani Agbayani

Aquarius (January 20 – February 18)

Choose your battles, Aquarius. Kahit anong gawin mo ay mami-misinterpret pa rin ito ng ibang tao. Tandaan mo na imposible na iyong makumbinsi ang lahat ng tao, at normal lamang ito. ‘Wag ka nang mag-aksaya ng panahon pakinggan ang lahat ng kumento ng ibang tao basta alam mo sa iyong sarili na tama ang iyong ginagawa ay magpatuloy ka lamang.

Swerteng OPM ngayong buwan: Beep Beep Beep Ang Sabi Ng Jeep ni Willie Revillame

Pisces (February 19 – March 20)

Tama na ang pag-iilusyon, Pisces. Maaaring out of touch ka na sa reyalidad ng iyong sitwasyon. Magpakatotoo ka; ibaling mo ang iyong kaisipan sa iyong mga kathang-isip at magpokus sa iyong nararamdaman. Pakinggan mo ang sinasabi ng iyong mga mahal sa buhay dahil ang kanilang panlabas na perspektibo ay makatutulong sa pagbalanse ng iyong mga pananaw.

Swerteng OPM ngayong buwan: Imagine You and Me ni Maine Mendoza

Aries (March 21 – April 19)

Maaaring mahihirapan kang umintindi o magproseso ng mga nangyayari sa iyong paligid ngayong buwan, Aries. Dahil dito ay baka mahirapang kang unawain ang ibang tao at mahirapan din silang unawain ka. Habaan ang iyong pasensya at ‘wag personalin ang lahat ng bagay. Marami ka pang haharaping mga pagsubok sa mga dadaang mga linggo at ito na ang tamang panahon upang magpokus at magseryoso.

Swerteng OPM ngayong buwan: Gigil Si Aquo ni Vice Ganda

Ang pagtatapos ng mapanlinlang na buwan na ito ay isang babala para sa mga susunod na pagsubok na kahaharapin. Ang mga pagsubok na darating ay dagdag lamang sa mga aral na matututuhan sa habang nabubuhay.

Magsilbi sanang paalala ang Hulascope na ito ng kahalagahan ng mga pagkakamali at kasawian upang matutong mag-ingat sa hinaharap.



Last updated: Sunday, 18 July 2021