
Upang maimulat ang kabataan sa kasalukuyang krisis ng bansa at maipahiwatig ang maari nilang magiging hakbang patungo sa pagbabago sa pamamagitan ng likhang-sining, nanguna ang Panday Sining, kasama ng School of Design and Arts (SDA) School Student Government, na naglungsad ng protesta sa Taft Campus ng De La Salle-College of Saint Benilde noong Marso 29.
Ang tanging adhikain ng programang ito at ng Panday Sining ay ihikayat ang mga kabataan na ipahayaag ang kanilang hinaing ukol sa kasalukuyang krisis pang lipunan. Ilan sa mga isyung tinalakay ng Panday Sining ay ang kamakaylan lamang na pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa sa Ninoy Aquino International Airport.
“Other media are currently being subjected to attacks to silence and expose Duterte Administration. Duterte is sinking at the fault of Martial Law to continue his dominance while forsaking filipino people dying from hunger and poverty,” ani Arvin Isidro ng Panday Sining.
Natalakay din sa programa ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga Senior High School na nagdulot ng pagkawalang kalayaan ng mga estudyante sa pagkuha nito.
“Hindii umano ang ROTC daw ay para sa nasyonalismo pero anong karapatan ng gobyerno (…) kung ang gobyerno mismo ang nagbebenta sa atin sa mga dayuhan?” ani ng Panday Sining.
“Iba na lang ireklamo niyo, huwag Martial Law.”
Isang babae ang lumapit habang nagpoprotesta upang ipahayag ang kaniyang saloobin ukol sa pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao. Ayon sa kanya, siya ay nagmula sa Davao at iba ang kanyang hinaing sa nasabing paksa.
Dagdag pa niya, hindi alam ng mga kabataan ito dahil sila’y bata pa lamang at iba na lamang ang pag-usapan. Naging maikli ang diskusyon sa pagitan ng mga nagpoprotesta at ng manunuod, kaya muling tinuloy ang programa.
“Bakit tayo mananahimik? Tayo’y may akses sa paaralan at hindi dapat tahimik ang mga kabataan lalo na’t meron tayong [talento]. Ang mga tingin sa ating kabataan lalo na sa middle class sabi nila tayo’y may kakayahan mag pihit ng opinyon so kaya nating sabihin ito sa ating lipunan,” ani Nico Garduce, National Spokesperson ng Panday Sining sa panayam ng The Benildean ukol sa gampanin bilang kabataan sa mga nasabing sitwasyon ng ating bansa.
“Ayoko na gumawa ng abstract art na idi-display lang sa lobby. Ayoko na gumawa ng mga psychedelic na subject para lang ipakita sa Cubao Expo kung saan nag-iinom lang ‘yung mga tao—hindi ganun ang art. Ang art dapat meron siyang aroused, organized, at mobilized aspect, hindi dapat na bubukod sa exhibit mo lang. Ang task ng artista ng bayan ay to turn passive spectators to active participants, ibig sabihin ang ating pag likha ng sining ay hindi natatapos sa paggawa lang ng art.”
Isinigawa ang naturang protesta bilang pagtatapos na aktibidad sa SDA Week na may temang “Social Liberalism Through the Arts.”