Photos by Kyle Janremy Bustos
Photos by Kyle Janremy Bustos.

Mga boses ng bahaghari: Pag-uunawa, pagbabago, at pagmamahal


Natapos man ang Hunyo ngunit ang pag-uunawa, pagbabago, at pagmamahal na pinaglalaban ng komunidad ng LGBTQIA+ ay patuloy pa rin.


By Benildean Press Corps | Tuesday, 9 July 2019

Umulan, umaraw, Hunyo o hindi, ang Pride ay mananatiling protesta.

Makulimlim ang langit, walang hudyat na aaraw pa. Maya’t maya pa’y bumuhos na ang ulan. Kaniya-kaniyang paraan ng pagsulong ang mga dumayo. Ang iba’t maswerte at may dalang kapote at payong, habang ang iba’y nagkumpulan na lang sa may pinakamalapit na tindahan. Subalit, ‘di talaga matitinag ang kanilang puso’t diwa—sulong kung sulong.

RR

Your gender-identity is who you go to bed as, and sexual orientation is who you go to bed with. So me, I like girls, I want to be with a girl, but I identify as a nonbinary.


Si RR ng Panday Sining ay 24 taong gulang mula sa Vito Cruz. Ang kanyang gender identity bilang nonbinary o gender-queer, habang ang kanyang sexual orientation ay lesbian. Ang larawan niya sa pagiging nonbinary ay noong nasa all-girls school pa lamang siya ay ayaw niyang nakakahon sa ideya na isa siyang babae o lalaki. Hanggang sa nainspira siya sa isang web series kung saan may isang karakter doon ay naka-classify bilang nonbinary, ay doon niya napag-isip isip na walang nonbinary, dahil siya mismo ay binary.

Justice

Justice

The best part of being in this community is you are able to be who you are…when you feel people accept you, and you also accept them, I guess that’s what really matters.”


Si Justice, 26 taong gulang, ay isang gay man. Ang kanyang mapagpahayag na kasuotan ay:  tube top, mga choker, at isang transparent na puting mahabang palda na nakapatong sa puting shorts, isang matingkad na malaking krus, maliit na korona at isang wand na mala-diyosa.

Bata pa lamang si Justice ay sinuportahan na siya ng kanyang magulang, mula sa pagrampa ng mga takong at bistida. Para kay Justice, mas madali na ngayon mag “come out” sa bansa. Dito niya binigyang diin ang pagkakaroon ng support system, na panghawakan ito habang-buhay. Dagdag niya, “Everyone has their own way of coping. In my opinion, there is no such thing such wrong emotion or right emotion—but we use that to do something great.” 

Gabo

Gabo at Rhey

Kapag homosexual, parang medyo nilalayuan ka, pero pag bisexual—parang mas komportable sila sa’yo.”


Parehas na babae sina Gabo, 21, at Rhey, 21, ngunit kinikilala ni Rhey ang sarili niya bilang “bisexual boy.”

Parehas sila sumasang-ayon na sa pamamagitan ng bisexual ay nalalaman nila ang pagkakaiba ng dalawa habang hindi sila nalilimita sa kasarian ng tao.

Madami pang nalilito sa kanilang identidad at maraming bicurious, ani Rhey. Noong natanong, mas naghahanap ng lalakeng makakasama si Gabo habang mas gusto naman ni Rhey ang makahanap na babaeng makakasama.

Karina

Karina

“On my way home, I thought it’d be symbolic to change my name. In that letter I’d written that I respected them, and I hope that they respect my decision to live my truest self.


Naka-lila na bistida, mahaba ang pilikmata, at maganda siya at kanyang mga salita.

Si Karina, 22, ay sumulat sa kanyang pamilya noong ibig niyang palitan ang kanyang pangalan mula sa “Kippy.” Adhikain ni Karina ang pantay na karapatan dapat maibigay sa mga kababaihan at ng transwomen. Ang pagsali ni Ms. Spain Angela Ponce sa Miss Universe 2018 ay isang malaking hakbang sa trans community at sa paglalantad ng kanilang isinilaysay.

Ukol naman sa mga taong hindi nakakaintindi o nauunawan ang trans community, ang sagot ni Karina ay “Sometimes, you have to come from an understanding perspective that some of these people don’t have this knowledge or the education that there are transwomen and it’s different from bakla. It’s important to not shut them out outright, and educate them politely. And if that doesn’t work, then just politely say, ‘Okay. Whatever. You do whatever you want to do, I’ll just live out my life.”

Raine

Respect. If you can’t accept us, at least respect us. If you use religion to spread hate and if you are mean to the community, are you worshipping God, or your ego?

Si Raine, 18 na taong gulang, ay isang transman. Sapagkat madami na siyang pinagdaanan na hirap at sakit sa pagiging miyembro ng trans community, ang masasabi niya lang ay wala siyang pinagsisisihan at masaya siya para sa LGBTQIA+ community lalo na’t sa layo ng pinagdaanan nito.

Sa Pilipinas, hindi raw gano’n kadali ang pag “come out” dahil hindi alam mo kung sino ang yayakap sa’yo at kung sino ang magsasabi ng mga masasamang salita sa likod mo. Nakaranas na siya ng pang-aabuso sa salita, mapagtinginan nang masama, at maging ilayo ng mga bodyguard mula sa isang kaibigan.

Asexual 

Siya ay 19 na gulang. Ayon sa kanya, wala pa siyang nakikilalang ibang asexual kung hindi siya lamang. May isang pagkukulang sa kaalaman sa mga asexuals, na hindi alam ng karamihan na mayroon din kagaya nila na hindi naaakit o nagkakagusto sa iba. Kung mayroon siyang gustong ipabatid, iyon ay, gaya, ng ibang miyembro ng LGBTQIA+, sila din ay may mga kahirapan at mga panandaliang takot, tulad ng pagkakaroon nila ng anak, pamilya, o relasyon balang araw. 

Andrew at JR

So we stay together, hindi laging masaya. It’s not always holiday, it’s not always good times. Sabi nga, mas madami ‘yung mga days na ‘di okay, pero napakasarap ng mga araw na okay.

Si Andrew ay 27 habang si JR ay 44. Maghakawak ang kanilang mga kamay, kasama ang kanilang mga kaibigan na nagbibigay ng libreng yakap. Ayon kay JR, ang pakikisama sa relasyon, mapa co-ed man o hindi, ay mahirap; pero mas mahirap kapag magkasama na kayo habang-buhay.

Ngunit naniniwala sila sa mga salitang “Pag love mo talaga…” Ito ang delikadong pagsukat sa pag-ibig, sapagkat madali lamang daw mapakain ng pagmamahal, pero ang pagiging mature at handa ang susi sa maayos na relasyon.

Sa ngayon, mayroon silang alagang aso, may planong magpakasal sa tinakdang panahon, at susubukan nilang mag-ampon base sa desisyon nila pagkatapos pangalagaan ang kanilang malambing na pug.

Cristel   Vanessa

Cristel at Vanessa

Siguro for the LGBT couple, I would like to say whatever everyone says na ‘pag tumanda ka at ‘yan mapapangasawa mo at wala kang future: why would you get that picture? You are who you are. And this world is judgmental and cruel. You can’t adjust to the world or look at it.”


Dito sila nagkakilala sa Martsa, noong huling taon, na hindi man magkaano-ano: si Cristel, 19, na tiga-Pasay; at si Vanessa, 18, mula sa Quezon City. 

“Pag gusto, laging may paraan,” ani Cristel. Kahit malayo ang kanilang pinaroroonan, tinitiyak ng dalawa na halos araw-araw sila nagkikita. Halos live-in na ang kanilang kwento, salamat sa sapat na suporta at pag-uunawa ng kanilang mga magulang na hinahayaan silang manatili sa pamamahay ng isa upang magovernight.

“Minsa’y isang buwan, minsan isang linggo, minsan ilang araw,” dagdag ni Cristel.

Madami na rin napagdaanan ang dalawa. Isa rito ang kanilang sari-sariling mental issues na kaunti-kaunting nawawala sa pamamagitan ng pagtulong sa isa’t isa. Ang singsing na kanilang suot ay patunay na handa nilang harapin anumang paghihirap na darating.

Mula sa 25,000 dumalo noong Pride March 2018, hanggang sa nakaraang 70,000 na naki-isa ngayong taon, patunay lamang ito na hindi pa nagtatapos ang laban hangga’t maituring na kapantay na tao ang buong komunidad. Sila’y mga taong nais lamang makakuha na pantay na karapatang sibil at taong malayang magmahal.

Photos by Kyle Bustos and Denise Paule

 

 

 

Last updated: Thursday, 10 June 2021